12.16.2010
The Beki Code
Sensya na at nanahimik na naman ang BM. Eh kasi nagpapagawa kami ng hauslaloo... Yung todong haus na pink na, wala ng lipatan, wala ng ibahan ng kulay, wala ng atrasan. Pag gawa na yung balur, post ko ditey ang piktyuraka ala-Mandaya Moore hihihi... Anyway, eto at sisipagan ko ang buong season ng simbang gabi. Every 1:43 ng madaling araw, abangan mo, magpo-post ako ditey ng bagong blog.
Nine mornings, nine blogs, nine stories, one BM to rule them all... Hihihi! Pak!
**********************************************
Halos linggo linggo eh nasa Casa ako ng sisteret kong si Mamagan. Present lagi ang mga beki. Palagi ding may dumarating na mga baka. Kaya linggo linggo din eh nagpapastol kami. At sa dinami-dami ng baka na naglabas masok sa balur na makasalanan, at sa dinami-dami ng eksena naming mag-aate, nabuo ang "Beki Code"... Isang koleksyon ng mga Do's and Dont's sa buhay ng mga citizen sa Bekilandia...
Rule # 1: Prioritize Bekihood Rule
Sa Ina ng mga rule na itey, ito ang pinakamahalaga. Laging mauuna ang kapatiran. Unahin ang sangkabaklaan, bago ang kalalakihan. Friendship muna bago kembang. Bekihood over Bros. Arya!
Pag inuna mo ang etits kesa sa friendship mong bekla, isang kang malaking EKS.
Rule # 2: Ang Kay Aya Rule
"Beks, walang talo-talo." Yan ang una at Golden Rule sa pagiging beki. Dati nga, me nakaaway ako na friendship kong beki kasi daw nilandi ko yung nilalandi nya. Impernes, nag-kiss nga kami nung otoko. Pero yung moment na yun kasi, nasa buffet kami. As in buffet ng mga saging na buhay. Kaya ang nasa isip ko eh free for all ang eksena. Eh hindi pala, minasama ni Beks yung eksena namin nung kulakadidang nya.
Sa amin ng mga ate ko, unspoken rule na yan. Pag napa-notaryo na, waley ka nang K -- as in kembot -- kasi respeto ateng... Pero kung karir lang naman, for the sake of pagpapastol at pagkamot ng kati, dapat eh clear ang usapan. Basta walang pailalim na transaksyon...
Nung isang linggo lang, nalurki ako. Me tatlong baka: Si White Ranger, si Green Two, at si Banana Man. Me tatlong beki din, si Mamalin, si Mamaru, at si Mama Trony. Kay Mama Trony napunta yung si Banana Man, hihihi... Hipon pero performance level! At impernes saba naman talaga ang lolo mo. Solve na ahehehe...
Si Mamalin, mega text sa organizer: "Akin yung naka-white." Pak! Reservation galore ito! So gora na rin sila sa pinto ng langit. Eh di isang beki na lang, at yung isang kuya na naka-green. Eh witchiririt nya raw bet si Green Two. Ang bet nya rin ay si White Ranger. C Mamaru, inoffer ang langit at lupa. Kahit wala nang ma-lafang ng isang buwan, matikman lang si White Ranger.
Ning, wagwag lang ang katapat. Sabon sabon, banlaw banlaw, pasok na sa banga. Kahit nalawayan na nung isang beki, gora pa rin si Beki. Kahit kay Aya na, sinunggaban pa rin ni Ara.
Isang malaking EKS!
Rule # 3: Lalaki Lang Yan Rule
Dahil sa madalas ma-violate ng mga beki ang "Ang Kay Aya ay kay Aya Rule", nabuo ang ikalawang rule na ito. Sa amin ng aking mga beki friends, laging linya ang "lalaki lang yan"... Meaning, kahit anong mangyari, dapat unahin ang bekihood -- ka-level ng braderhood at sisterethood.
Sa amin nina Sailor Pluto at Sailor Mars, pati sa kin, si Chebyusa, never kaming nag-away dahil sa lulurki. Nag-aaway kami dahil sa pagkain, nag-aaway kami dahil late sa usapan, nag-aaway kami dahil sa kataklesahan ng bawat isa, pero never sa lalaki. Kasi nga, "lalaki lang yan."
Isang giant TSEK!
Rule # 4: One-Week Rule
Kapag bet mo talaga si lulurki, pwede naman. Pero dapat "tinikman" lang sha ni beki friend mo ha, at hindi "bowa". Kasi kung bowa na nya itu, ning Galema ang arrive mo nyan. Pero kung kembot lang naman, at wala naman shang feelings ke boylet, magpaalam ka muna. Wag mo naman itext agad at offer-an ng mansyon at milyones. Tsaka maghintay ka atleast a week bago mo pormahan si kuya. At lalong-lalo na, wag mo namang tikman sa parehong gabi. Para na rin kayong nagkembangan ng ate mo nun!
Dapat palaging sundin ang "One-Week Rule". Kung sina Basha at Popoy me Three-month Rule, mas malalandi naman ang mga beki kaya isang linggo lang. Sabi nga, it's depends on the timings. Taymingan mo ateng!
Pag nakapaghintay ka ning, isang malaking TSEK!
Rule # 5: Hand Me Down Rule
Konektado ito sa ating "One-Week Rule". Pwedeng ma-bypass ang "Kay Aya Rule" pag lumipas na ang isang linggo, at di pa nagsisintimyento ang frend mo. Meaning, di sha seryoso ke otoko. Pwede ring arborin ang baka, basta kembot at kuda lang ang namagitan sa kanila. At dapat, laging magpapaalam.
Parang kami nung isang ate ko. Gora kami sa massage parlor kembot. Aba winner sa hagod si Kuya. After ilang sahod, gora kami uli sa same massage parlor. Si Ate Medusa ko naman ang nagpahilot ke kuya otoko kasi me bali daw sha sa palasingsingan. Eh di winner nga talaga si otoko, napatunayan na naming duwa. Kaya after uli ng ilang sahod, kaming duwa iba na kinuhang komadrona, at si Valentina naman ang kumuda, este nagpahilot. Proven and tested, talagang winner sa haplos si lulurki. At kaming tatlo, proven na pare-parehong makakati.
Isang malaking TSEK kasi di kami nag-away kasi nga "lalaki lang yan." Pwede naman ang hand me down...
Rule # 6: Beki-talk Syndrome Rule
Magsalita ng beki talk pag me kasamang otoko, hayaan mo shang ma-op kasi nga "lalaki lang yan". Hehehe... Kami naman ng friendship ko, depende. Kapag mejo shunga ang mga boylet, english englishan ang drama para ma-intimidate. Pag mejo madakdak si lalaki, as in maboka at makuda, silent kyeme kami. Meron pa kaming mga "beki conference" at "beki meeting" sa loob ng room para di kami maulinigan ng mga baka.
Ewan ko ba, kahit saan ang beki nakakakita ng imbentong bagong salita. Nung minsan di ko ma-gets yung spluk ng beki mae ko na sisteraka, isplukara kasi ng sisteret, "Getchina mesh na ang Dianne Castillejo sa refrigiratorade, iiskyerdahin ko na itembang para mag-baylamos ang mga tummy-tuckables ketch!" Asus ko, kunin ko na daw ang pills nya na "dianne" sa ref, iinumin na nya ito para mag-babye ang mga bilbil ng bakla. Hay kalurki!
Ang beki-talk eh hindi lamang yung popular na gay lingo, na mejo naiintindihan na rin kasi ng mga otoko. Ang mga boylet ngayon, pamilyar na sa tunog at pilantik ng mga salitang bakla, kaya nage-gets na rin nila yung mga "chaka, kembot, kuda, crayola, winona, lucila laloo" at anik anik pang mga salita na pambeki.
Considered na rin sa beki-talk ang paraan ng pag-iinarte ng isang beki, lalo na pag me kausap sa fonelilet at akala ng kausap nya eh babae sha. Beki-talk na puro hangin, halinghing, paungol, paungot, parang kinakapos ng hininga na hinihika pero malande, at palaging pabulong.
Kasi yung si Mamaru, me mga ka-chat yan na otoko, ang press release nya eh gurlilet sha at piktyuraka ni Mamagan ang avatar nya sa YM. Tapos pag mega call na si otoko, maririnig mo na lang yan sa ilalim ng kumot na umuungol ala Linda Blair. Sapi-sapi ang dating neng, uso pa naman ang horror pag Pasko.
Wag ka nang makiungol, kaya na nya mag-isa ang dolby digital na surround sound ng pag-ungol nya. Pag lumikha ka ng kahit anong ingay, isang malaking EKS.
Rule # 7: Mutual Friend Rule
Pag me naispatan kang cute na nasa friend's list ng beki friend mo, at bet mo si Cute na kuya, pwede mo naman shang i-friend. Basta nasunod mo na ang Hand Me Down Rule at One-week Rule. Pero shempre, sabihin mo pa rin. Kasi baka maloka na lang si friendship mo, mutual friend nyo na ang iniirog nya, kawawa naman sha davah. Baka labs na labs nya talaga si Otoko, tapos kinakarir mo na pala.
Eto isyu sa min ng friendship kong si Mamagan -- kasi nga laging nagmamaganda. Pano pag mahal mo nga si otoko, at kinarir sha ni beki friend? Katwiran nya, mahal mo nga, mahal ka ba? Ay naku, kung ako, shempre dapat walang pakialamanan. Ang kay Aya ay kay Aya, ang kay Ara ay kay Ara, at ang kay Ana ay kay Ana. Eh pano kung waley namang feelings si Felipe kina Aya, Ara at Ana?
Pag ganyan na ang tinginan nyo, at biglang minutual friend sha ng ate mo, magwawala ka ba?!
Sa blog kong ito, abstain pa rin ako. Kung magko-comment ka, isama mo na to sa isyung irereact mo. At pag nag-comment ka nga, ikaw ang may malaking TSEK!
Rule # 8: The Syokoy Theory
Kahit gano kapanget, pag tumatagal nagiging pwede na. Kung gano kataas ang "Syokoy" factor, ganun din kadaming beer at redhorse ang dapat inumin para sabihing, "Pwede na."
At dapat, kahit gano pa ka-syokoy ang bowa ng friendship mo, walang laitan ng minamahal. Baka naman lasengga lang talaga ang kumare mo, kaya gwapong gwapo sha sa tukmol nyang bowa. Kung ganun man, keber ka na lang. Titigan mo na lang maigi si Kuya, malay mo naman makita mo kung anu bang nakita nya.
Sabi nga sa "Syokoy Theory", pag mas tumagal pa, papasok na rin yan sa banga.
Rule # 9: Silencio Rule
Walang laglagan. Kung anong eksena ng beki friend mo, hayaan mo sha. Kung eksena nya eh babae sha, trip nya yan. Walang basagan ng trip. Kanya kanyang press release tayey sa mga karir natin. Nung minsan ang press release ko eh me bowa na ko, ang mga friendship kong beki, suportado ko sa statement ko na yun. Nung minsan naman, brokenhearted kuno. Pak! Pasok pa rin sa banga yan. Moment ko yun, walang pakialamanan.
Kami nung isa kong Ateng, magaling kami dito. Pag di nya bet uminom, ispluk ako ng "Ay may sakit yan sa tyan eh, acidic, keme-keme..." Pag di ko bet ang fez ng baka, ispluk naman yan "Ay di yan pwede ngayun, me bowa na yan magagalit sa kin yun pag nalaman na kinukunsinti ko sha..." Nung minsan, ang press relase ko sa payola nung isang boylet eh GL -- ganda lang -- pero kinudaan ko talaga ng tuition fee si kuya, quiet lang si beki mae kahit alam nya.
Ganun dapat ang mga beki, pag nasa casa, dapat saluhin ang bawat isa. Sagot ko ang kaldero, sa kanya ang takip. Sa kanya ang kwento, sa kin ang sulsol o backup info. Sa akin ang palusot, sha ang tagahawi sa talahiban. Suportahan shempre.
**********************************************
Marami pang unwritten at unspoken rule ang mga beki. Pero para sa kin at sa mga kaibigan ko, dalawang bagay lang ang rekado, at pag nasunod mo to lagi, asahan mong habangbuhay na buo ang beki-hood. Dalawang bagay lang: individual differences, at respect. Consider those two things ----> kapatiran ng sangkabaklaan habangbuhay!
another WInnur ahahhaha..naaliw ako ng husto dun sa shokoy factor ahaha..ganun pla pag tumatagal na pasok na sa banga lols..
ReplyDeleteand about rule # 7 - e2 ang 2cents ko, aba e kung di naman sila ang trip nung baka, e di ikaw na ang umeksena, tama si Mamagan, mahal mo nga e mahal ka ba? so pwede ako umeksena kasi malay mo ako ang mahal nya (parang ang gulo yta basta!) lols!
i lav this mama BM! gurlilet akey pero mag rereact pa rin ako. kasi mostly sa mga rules mo dito eh applicable naman sa lahat ng gender. ung rule # 7, for me, NO NO NO WAY tlga dapat mang-agaw kahit anu pa gender mo. tama, respeto lang yan para buhay pa rin ang samahan ng mga magkakaibigan.
ReplyDeletesusundin ko ito BM. LOL. pagamit ng rule. hahaha
ReplyDeleteWell, BM, based on your rules, it looks like you and I can get along well =)
ReplyDeleteKane
BM this entry : YOU AT YOUR BEST as in pak na pak... super like ko ... pahiram ng rules apply ko rin...lol.. keep on posting...
ReplyDeletewahahah. mukang daig nito ang the bro code na book ah. :D
ReplyDeletePasok na pasok sa banga, BM.
ReplyDeleteThe Beki Code: Korek with a BIG CHECK!.aylavet!
Pagamit na nga rin ng mga rules na ito.. ^__^
ReplyDeleteLurve ko ang post na ito kasi napatawa mo na naman ako. Dun sa tanong mo: "Pag ganyan na ang tinginan nyo, at biglang minutual friend sha ng ate mo, magwawala ka ba?!" Sabi mo nga, kelangan magpaalam pa rin. Pag hindi nagpaalam, imbyerna ito. Para sa akin lang ha, ito'y isang malaking EKS! =p
ReplyDeletekelangan ko tong ipa-tarpaulin....
ReplyDeleteindividual differences..
ReplyDeleterespect..
isang malaking TSEK..
bakit ngayon ko lang nabasa to? ahahahahaha isa na namang panalong likha ni Binibining BM. parang pwdeng pamalit sa consitution..heheheh charing! this is really an award-winning slash best seller slash box-office hit blog. super lav it!
ReplyDelete