Churi mga badidap, witchiririt sabi ng ibon! Wichiririt ko nabuo ang aking nine mornings! Ahehehe... Yaan nyo na, beki lang! Madalas puyat sa paglandi kaya di nakakagawa ng blog..Tsaka laging shenglot si BM, alam nyo naman... Ipo-post ko pa rin naman ang pagkumpleto sa nine mornings ko eh!
Anyway, gift giving ng Pamilya Salamat sa Iskwateriffic, kasi nga Pasko at pasasalamat na rin na wagi si Payat sa nakaraang eleksyon davah... Sha na ang ang pinakapayat na Santa sa buong kalawakan.
Bilang tribute sa aking virtual kumare na si Mandaya Moore, idaan natin sa pictures ang post na ito...
Herelaloo ang mga maralitang shopetbahay ng dakilang si BM, nakapila para sa hamon at kembot na handog ni Kagawad Pa.
Si Byenang Hilaw, nagche-check ng mga names sa masterlist eklat...
Ang kahon kahong hamonado na pinamigay sa mga citizens ng Iskwala Lumpur.
Ang laman, at ang greeting card ni Kagawad Pa.
Eto pala sha, nakikisawsaw sa bigayan kembular.
Ang hipag na hilaw at ang pinsan ko... Pareho silang Lilet! Liletsunin at baklang maliet!
Dahil Pasko, kahit dinededma ko si Dating Pa dahil magkakaanak na naman sha, eh tumulong pa rin ako sa gift-giving project nila ng pamilya nya ditey sa Iskwater... at mejo kinilig kc wet-look ang hairlilet ng payat.
At ang regalo ko sa sarili ko...
At eto pa... bigay ng isang mabuti (pero malandi) na kaibigan...
At ang pinakabonggang bonggang gift ko sa aking pagka-BM for the year 2011... jaran! Bonggang bonggang bongambilya!
MERRY CHRISTMAS Bekilandia! Mwahugs!
XOXO! ~~~ BM
12.25.2010
12.21.2010
Upside Down
Ako ay nagbalik... at muli kang nasilayan! Parang ibong sabik sa isang pugad...
May nagbalik sa buhay ng maton. Pero umalis na uli sha ng tuluyan...
Simula ng mawala ng tuluyan si Budwire sa buhay ko, pinutol ko na rin lahat ng communication namin. Nag-iba ako ng number pero di ko naman binura ang number nya sa phone ko. Di ko rin sha binura sa friend's list ko, kc madalang naman sha mag-open sa FB. Duda nga ako kung kabisado nya yung password.
Pero may koneksyon pa rin kami. Yung pinsan nyang pinustahan ko na beki, friend ko pa rin sa fezbukelya. At minsan eh nagkaka-chat kami. Nakaka-tumbling naman si Kuya kasi ang wish nya raw eh maging kami, tumira sha sa hauslaloo ko, at magsama kami na parang sina Piolo at Yul. Ay wit! Pero dahil ditey ke cuzin kembot, nakuha ni Daduds ang bagong number ko.
Nagtext sya sa kin isang araw, magkita daw kami. Miss na daw nya ko. Dito na raw sha sa Manila uli, iiwan na nya ang farmville nila sa Quezon. Magkaka-work na daw sha. Gusto lang daw nya kong makita. November 29 yun nung nagtext sha, exactly a year ago nung naging kami. This would've been our first anniversary.
Curious din ako bakit nagbabalik si Daduds. Kaya naman nagpaunlak (naks, parang tagalog pocketbook!) ako sa kanyang paanyaya. Sabi ko, gora! 7pm daw ang arrival ng flight nya from Recto Station. So mega waiting for alas-syete naman ang beki. Eh sanay na rin ako sa eksena nya, kaya nung mga 9pm na waley na toh.
Biglang tumawag yung common frend namin ni Waldo, si Caipanget. Remember Waldo? My inevitable guy? Me mabigat na dalahin daw si Baby Waldo ko, and true enough nung kausapin ko sa phone ang lolo mo eh hinagpis na hinagpis kamo sa pag-eemote. I had to be there. Kaya sugod ang bakla sa Taguig, the land of buffets.
Literal, nakasalubogn ko si Daduds na naglalakad patungong Iskwala Lumpur. Ubos na pala load ng lolo mo, kaya wit na nakakatext sa akeiwa. Torn between two lovers daw ako bigla. Kasi nga to the rescue na sana ako ke Waldo. Eh kawawa naman lolo mo, galing pa ata sa bukid. So balik ang eksena ko sa Tore at nag-magic ng kung anik anik na fudang at refreshments kembular. In layman's term, pancit canton at RC Cola ahehehe...
Ang gwapo nya ngayun. Payat, pero gwapo! At di na sha mukhang magsasaka impernes. Di ko nga mapigilan eh, nagpakababae ako habang nagki-kiss kami uli. Nakaupo sha sa gilid ng kama habang nakakandong ako at nagpapalitan kami ng ngala-ngala at lalamunan. Ganun pa rin si Daduds, kung humalik eh makakalimutan mo talaga kung sino nanay mo.
Hay ning, kung naghihintay ka ng bloopers, pak! Wala shang baon! Tinatanong nya lang lagi kung masaya ba ko na nakita ko sha uli. Isang pa-gurl na sagot lang ang kaya kong isagot: smack sa lips.
Sinabi ko rin na tore ni Totong ang tinitirhan ko. May paselos effect ng konti, kinuwento ko ang past life namin ni Pa, kung bakit ako umalis dati ng Iskwater, at kung bakit at kelan ako bumalik. Nakita nya rin yung infamous piktyur ko na me boobing at cleavage ang bakla. Natatawa ko sa reaksyon ng lolo mo. "Pag nakasalubong kita, baka akala ko naglalako ka ng papaya!" Papaya talaga?!
Pati si Totong pinagtripan. "Naku pano pag biglang pumasok yun tapos nakakandong ka sa kin. Ihahagis kita sa sahig. 'Boss! Boy lang ako dito!' O kaya 'Delivery boy lang po ako. Sige po alis na ko.' Saka ako tatakbo pauwi."
Nun ding pababa na kami ng hagdan, pinapauna nya kong bumaba. Kasi pag bigla raw dumating si Totong, itutulak nya ko palayo. "Dumadalaw lang po, Boss. Kaibigan ko lang po yan."
Kako "Eh pano pag naabutan nya tayong naghahalikan?"
"Ay hindi po, halik lolo lang po yun. Sa noo lang po yun Boss." Sabay hagikhik na parang sinasapian ng heartrob na dwende. Baka daw kasi pagulungin sha sa hagdan o kaya eh di na sha makalabas ng buhay sa Iskwater.
Aaminin ko, kinikilig ako. Kilig na kilig ako. At as usual, nanamnamin ko lang ang kilig na liglig at umaapaw.
Pero di ko talaga pwedeng balewalain ang tawag ng naghihinagpis kong irog sa Malibay, kaya di na nagtagal si Budwire sa hauslaloo. Habang naglalakad kami papunta sa sakayan me nakalimutan ako sa tore kaya balik na naman kami. Me theory ang gwapo na di ko magawang i-deny. "Dinidisplay ako ni Daduds, langya." Andami kasing beki sa kanto namin.
Habang byahe, kini-kiss ko pa rin sha sa jeep. Holding hands pa kami na parang dalawang magsyotang jejemon. Tinanong ko ang lolo mo, bakit yung normal na mga nilalandi ko eh nahihiya na makita ng ibang tao na hinahalikan ko, pero sha eh ok lang. "Kasi love kita Daduds." Nag-blush yung katabi naming Manong. Hihihi.
Tinanong ko rin sha kung asan na ang asawa nya, o girlfriend kaya. Ilan na ba talaga ang anak nya, mga tanong na dati ko pang iniisip. Ang sagot lang nya eh "Wala pa ko nun. Wala ka talagang tiwala sa kin noh?" Tapos tinanong ko sha kung may syota ba shang bading. "Meron dati, isa." Aha! "Ikaw. Kaso dati pa yun eh. Nag-move on ka na." Ako naman ang nag-blush.
Naghiwalay kami sa Cubao, at nagpabaon pa sha ng sanlaksang garutay na pakiramdam sa kalamnan ko. Kasi nung pasakay na ko ng bus at nasa hagdan na ko, hinila nya yung kamay ko, at saka ako hinalikan. "Ingat." Ayun, lutang na lutang ako hanggang FTI.
Nakarating naman ako kay Waldo, mejo humupa na nga lang ang mga hinaing ng lolo mo, at nagyaya na lang sila na mag-mamam ng redhorse.
A week after, bumalik si Daduds sa tore. We slept together, konting inuman, konting landian at konting harutan. Finally eh nalaman ko kung bakit sha bumalik. Hindi para mangutang, hindi para manghingi ng kakanin. Kundi para magpaalam. Habang kinukwento ni Daduds ang mga balak nya, naiyak na lang ako, at the same time eh na-touch na di nya ko nakakalimutan.
Nasa hukay na ang isang paa ni Daduds. 6 months, maybe a year. Kung suswertehin, posibleng umabot ng dalawang taon hanggang lima, o baka higit pa. Kailangan lang na matuto shang lumaban. Bawal sumuko. Pag nagsimula na sha ng training, wala ng atrasan yun.
"Mami-miss kita. SOBRA." Limang beses namin sinabi sa isa't isa ang mga katagang yun. Sa buong buhay ko, eto yung isa sa bihirang pagkakataon na sincere ako sa sinabi ko. At totoong nalungkot ako sa maaring mangyari sa kanya. More than nalungkot, natakot ako sa maaring mangyari sa kanya.
He signed up. Military service. Sa Mindanao. Training nya na in two weeks sa Camp Capinpin. Tapos isi-ship na daw sila sa Basilan. Parang mga troso lang, sini-ship papunta sa kuta ng kalaban. Kung saan makita lang nila na naka-camouflage ka eh babarilin ka na lang ng walang pakundangan. Kung saan minsan ang mga bangkay eh nilalangaw lang sa kalsada. Baka magkita pa sila dun ng best friend kong si Aveño.
Muli na namang binaliktad ni Daduds ang mundo ko. Hay Daduds classic ka talaga. That night, while I held him in my arms, I said a little prayer. Nung una ko shang makita, I asked God to take him away before I completely, hopelessly, insanely fall for him. This time, I uttered a different prayer. Na sana maging ligtas sya. Na sana mabigyan sha ng buhay na makabuluhan. Na sana makita ko pa sha ng buhay, malakas, maligalig.
Pag-uwi ni Daduds kinabukasan, hindi na lang basta halik ang pinabaon ko sa kanya. Kasama na ang isang milyong panalangin.
Nung bata pa ko, pag napapagalitan ako ni Bibiana at di pinapayagang lumabas ng bahay, iniimagine ko na may superpowers ako at kailangan ko lang na malagpasan ang mga pagsubok ng evil witch na nagkulong sa akin sa sala.Tapos may Prince Charming na darating at sasagipin ako sa lukaret kong mudra at isasama ako sa playground kung saan pwedeng maglaro ang lahat ng bata at hindi na kailangang matulog sa hapon para lumaki.
Alam ko nang hindi ako pinagmamalupitan ni Bibiana. Alam ko na rin na kahit hindi matulog sa hapon eh tatangkad ka pa rin. Alam ko na rin na hindi ko kailangan ng Prince Charming para sagipin ako. At alam ko na rin na hindi kailangan ng superpowers para iligtas ang mga nangangailangan. Nalaman ko na rin na hindi lahat ng Prince Charming dumarating, at nagtatagal sa piling ng mga beki in distress.
Minsan ang mga Prince Charming, busy pa sa pakikipagbakbakan sa mga rebelde at Abu Sayaff. Minsan di sila nakakarating kasi kailangan muna nilang ipagtanggol ang bayan, bago ang kanilang prinsesa. Sana totoo na lang ang hundred lives. Sana rin pwede kong alayan ng flower at mushroom at 1up si Daduds.
Pagkabasa mo nito, please join me in lighting a candle for our soldiers. Kung wala kang kandila, kahit yosi, o kaya lighter, o kahit yung kalan nyo na lang ang sindihan mo. Sabay sabay nating ibulong sa hangin ang hiling ng lahat ng beauty queen sa buong mundo.
"World peace..."

12.19.2010
Hopelessness
Na-delay yung nine mornings ko... Short post lang itu, di ko keri magsulat ng mahaba eh. Ouchie eh...
Simula ng magka-dengue ako, sobrang tumambling talaga ang mundo ko. Mali ata na nagpadala ako sa agos. Mas mali na isipin kong porke dito ako nakatira sa tore ni Kagawad, eh mayroon na kong babalikan. At lalong pinakamali na isipin ko na yung minsan namin eh magiging madalas, lalo na yung magiging palagi, o kaya eh habang-buhay.
Naging bahagi na ng araw-araw kong routine ang pag-akyat sa balur ni byenang hilaw at makikain, makichika o makiusyoso. Makikumusta na rin ke Kagawad Payat.
Nung isang gabi, me transaksyon kami ni byenan. Kaya nung dinner eh kinatok nila akeiwa para sumalo sa hapag-kainan. Masaya naman sana.. Kwentuhan, tawanan, asaran. Kasama ko sa pag-aasar lahat ng kapatid ni Payat.
Biglang may pasabog si byenan...
"Ay naku 'nak, may bad news." intro ni Byenan
"Anu yun mudra?" kuda ko naman.
"Buntis ulit ang aswang."
Natulala na naman ako ng bonggang bongga. Parang bomba. Kitang kita sa iris ng mata ko ang mushroom cloud ng pinakawalang nuclear weapon.
Di pala narinig ng mga shupatid, ask sila anu daw ang eksena. Habang kinaklaro nila ang nangyari, exit na ko. Kako me nakalimutan ako sa baba. Walk out man o hindi ang dating, isa lang ang impact sa akin.
This is rily rily is it is it.
Tulad ni Jonel na nakasalubong ko rin lang kaninang umaga kasama ang gufra mae nyang Marie pala ang namesung, dapat ko nang bigyan ng ending ang kwentong BM-Totong. Dapat nang tapusin ang pag-asam ng minsan. Dapat ng tigilan ang paghiling ng walang hanggan. Dapat nang iwan ang nakaraan.
Isa na namang karakter ang pinapatay ko sa blog na ito. Sana magawa ko na rin shang iwaksi sa tunay na buhay. Sana magawa ko na ring magpaalam ng totohanan. Sana magawa ko na ring talikuran ang pagsabit sa estribo ng jeep na byaheng Totong.
Sabi ko nga dati, too bad you're taken, married, with a kid, and this is just a fleeting feeling that would evaporate as soon as your wife shows up on my doorstep, claiming what has been hers all along. Ikaw man ang paulit-ulit kong daungan, sa totoo lang, pag bata na ang pinag-usapan, wala akong laban.
Bakla ako, pero wala akong balak manira ng tahanan.

12.18.2010
The "Malay Mo" Theory
Para sa aking 3rd post sa Nine Mornings... Ahahaha mandaraya ako ng time ha... nakatulog kc ako habang tinatype ko tong blogelya na to hihihi... Sabi ko lang "pasandal nga" tapos pagmulat ko ng mata ang langit nakatawa na sa batibot ahehehe...
Baket?! 1:43 pa rin naman ah!!! Hihihi...
***************************************************
Nasa Divine-Soria akeiwa kahapon. Sime and Sulay on their Christmas shopping for 2010. Pak! Sa sobrang dami ng tao, di ka na kelangang humakbang para lumakad. Glide na lang talaga ito, aandar ka na ng kusa. Ning ingatan nga lang ang bagahe, baka mag-glide din sha palayo. Tuwing anditrax aketchi sa Divine, naaalala ko lagi yung time na nagmaganda ako ng bonggang bongga.
Nung college kami, binuksan ang Wow Philippines sa Jintramurax. Naaalala nyo pa ba yoonchi? Di ba naman panalo talaga ang mga eksena nun sa Intramuros? Me mga live band, me acoustic performers sa damuhan at batuhan, may mga tiangge kembular at mga fud trip sa mga kalesa.
One time eh gora kami ng college tropa kez sa Acoustic Section dun sa may open area. Nung time na yun eh favorite na favorite ko talaga ang "I'll Be" ni Kuya Edwin Mcain. Impernes yun lang ang alam kong kanta ng lolo mo. Heniweiz, mega request kami dun sa songer sa entablado.
Shempre mega sulat akeiwa sa tissue ng request song. Kahit waley kaming order na mani at kornik, request pa rin ang bakla. Nung pagtayo ko, yung isang table sa kabila nakiusap na iabot ko din yung request nila. Hmmm, cute si kuyang chinito! Kinuha ko yung tissue na pinapaabot nya ke kuyang songer, at ninamnam ang tinig ng ibong adarna.
Habang nagngungumiyaw si songer na parang pusang taglibog, me sulyapan factor kami ni kuyang chinito. Ewan ko ba, feeling ko eh matitikman ko tong si chinito. Maya-maya, biglang nagsitayo ang grupo nila. Syet! Jujuwetiks na si Chinito! Uuwi na wala pa kong nakekembular!
Nakantyawan tuloy ako ng tropa ko, kasi ang hina kong lumandi. Nung mejo malayo na sila at nakalagpas na sa damuhan, adrenaline rush si bakla. Humablot ng tissue, nagsulat ng number ko, at humabol sa grupo ni Kuya Chinito. Nung maabutan ko sila, kinalabit ko si kuya at iniabot ang magic tissue ko.
"Ano to?" tanong nya, mejo nakangiti.
"Secret, tingnan mo na lang pag uwi mo." sagot ng bakla. Pa-mysterious effect.
"Pa-mysterious ka pa. Number mo to noh?" yung ngisi ni kuya parang may sound effects ~ he he he.
"Basta. Sige, ingat!" sabay talikod na. Di sanay si bakla, mejo nanginginig tuhod kez!
"Wait! Anong pangalan mo?" mejo lumalakad na sha ng patalikod kasi naiwan na sha ng grupo nya. About face ako uli.
"Kenneth. Kenneth ang itawag mo sa akin." with matching delivery ala-Rosanna Roces sa Ligaya, lakad paatras din, kesehodang natatapilok sa mga bato, sabay ngiti, konting blush, then exit.
Pagkatapos namin sa Wow Pinas ~ Ganda mo Teh~ eh dumerecho naman ako sa Padi's Point sa SM Manila. Andun yung iba kong tropa, yung mahihilig sa alak at yung allergic sa pusit. Dance dance, party party, ek-ek. Pag andun kami tribe dance at folk dance ang sayaw namin. Biglang may call simulation ang bakla.
Ring-ring!
"Thank you for calling the Bilibid Prisons. Hello!"
"Hello? Bilibid?!" familiarity ang timbre ng voice box.
"Ay wichiririt. Charotera lang akeiwa. Huz diz?"
"Huh?! Parlor ba to?" naguluhan lalo ang otokiz.
Hay! Eto na, boses maton na. "Hello? Sinu to?"
"Ahhm, si Kenneth ba to?"
"Kenneth? Ay uu. Sino to?"
Me alyas kasi ako. Kenneth Dominguez. Impernes me mga friendship ako na 5 years bago nila nalaman na di pala Kenneth Dominguez ang namesung ko.
"Si Chinito toh."
Ting! Da chinito guy prom da Intramuros Wow Pilipins?! Ay bongga!
Chikahan kami ng konti, kwentuhan (bakit ba, unli sha?!) tsaka mega tanong sha bakit ko ibibnigay number ko sa kanya. Lahat ng ito ay nagaganap habang sumasayaw pa rin ako ng maglalatik sa stage ng Padi's.
"Bakit mo nga binigay number mo sa kin?"
"Kasi cute ka." Alam kong bisikleta ka, at attainable ka. Tsaka cute ka naman talaga.
"Cute ka din." Pak! In the bag na si Kuya Chinito.
We agreed to meet up the following day. Ning guess kung saan ang meeting place namin? Tutuban Center sa Divisoria. Kala ko naman mamimili kami ng mga paninda sa tyangge. Yun pala, me sakayan dun sa likod papuntang Balot, Tondo. Sakay kami ng jeepaloo, at bumaba sa may bakery. Naglakad sa eskinita, at paglagpas ng eskenita eh me isang malaking gate na parang factory.
"Shet, baka rape toh ah. Sige na nga!" isip isip ko lang. Weh hanu pah nga bah gagawin namin?! Eh di habulang gahasa! Subuan ng puto bumbong at bibingka. Anihan ng talong at pechay.
Yung hauslaloo nila, para nga talagang factory. Me mga machine machine sa ground floor na parang pagawaan ng tikoy (hihihi), tapos me hagdan sa gilid na paakyat sa balur na talaga nila. Yung room nya eh parang lumang bodega -- pero may aircon! Pak na rin yan sa kin. Di naman ako choosy. Sa gitna nga ng dalawang bus na nakaparada nakipag chukchakan ako dati eh. Eto pa na winner sa aircon, amoy matanda nga lang.
Watch muna kami ng VCD. Yun pa ang uso nun eh. Konting pa-gurl, konting cuddling at hugs and kisses. Me sample din ng mga sweet nothings, spooning, gigil gigil at kurot kurot. Andun na rin yung kaplugan, kembangan, benggahan, barurutan at... anihan ng bungang kahoy.
Yung encounter namin, intense na me comedy. Minsan nagugulat sha sa mga eksena ko, tapos pipilitin nyang gayahin kahit di nya kaya.
"Nilunok mo?" gulat na tanong ni Kuya Chinito.
"Uu po... nakalimutan kong iluwa eh."
Tsaka mejo matamis naman yung buto ng santol kaya di ko na iniluwa. He-he-he! Maya-maya eh nilunok nya rin yung buto ng santol na kinakain nya. Give and take! Ang shuweet!!!
"Kita tayo uli ha." sabi nya.
"Oo naman. Malakas ka sa kin eh."
"Promise?"
"Para sa santol mo, oo magkikita pa tayo."
Pag-uwi ko, hinatid nya pa ko uli hanggang Divine Soria.
College pa lang ako nun, so OJT bago graduate. Eh si Bakla, bet na bet magsasama sa tropa. Kahit di ako taga-Cavite, nag-board ako sa Panapaan para lang pare-pareho kami ng tropa ko ng papasukang OJT. Nawalan kami ng communication. Basta pauwi-uwi lang ako sa Pandacan that time. Nung minsan na umuwi ako kay Dominga, me tumawag sa landline.
"Hello, pwede po kay Kenneth?"
"Uhmm, sino to?"
"Si Chinito."
Para kong binuhusan ng tubig na galing sa pinaglubugan ng Titanic. Uu nga pala ako si Kenneth. At uu nga pala, may isang maglalatik na umaasam-asam sa atensyon, pagtingin, at shempre sa katawan ko na rin.
"Oi Chinito! Musta?" Konting paliwanag bakit ako laging wala, konting hingi ng paumanhin, konting lambing, konting pa-sweet uli. Eh nagkataon na uuwi sa Batangas sila Dominga at ang buo kong angkan. Pero magpapaiwan ako sa balur, kaya niyaya ko sha to come over at dun naman kami magharvest ng mga biyaya ng kalikasan. Ang target ko naman ngayon, mga root crop.
Nung nagkita kami, mas intense, mas passionate, mas hot, mas... mas... Basta mas nakakaloka! Siguro yung anihan namin ng kamoteng kahoy, patatas at ube halaya, to put it more bluntly, mas sabik, mas kakaiba, mas may libido. Hindi generic, talagang kami lang ang makakagawa at makaka-appreciate. Tumigil lang kami nung maubos ang pagtitiwala namin sa isa't isa. In english, we stopped when we ran out of "trust".
Kung gano kainit ang pinagsaluhan naming kasalanan, ewan ko ba, ganun ding kalamig ang pamamaalam. Parang alam namin pareho na last na yun, di na kami magkikita uli. And true enough, di na nga kami nagkita uli. Bumalik na ko sa Cavite, at pag tumatawag sha, natural wrong number ang sasabihin ng tyahin at lola ko kasi wala namang Kenneth Dominguez dun.
Chinito remains a man of my past. Someone I let go easily. Ngayon nga hindi ko na matandaan ang pangalan nya. Nilasap ko lang ang linamnam ng katawan nya, inubos ko lang ang buto ng santol nya, hinalaya ko lang ang ube nya. Pero di ko sha iningatan. Di ako choosy sa lugar, dapat pala di rin ako choosy sa mamahalin. Kasi pwedeng pasok sha sa category ng "malay mo."
Walong taon na ang nakakaraan, ni hindi ko man nagawang magpakilala sa totoo kong pangalan.
Gwapo si Kuya Chinito. Kaya hindi ko maintindihan pano ko nagawang magpaka-choosy. Ganun siguro talaga, me mga taong inaasam-asam natin pero di tayo nakikita. May mga taong nagmamahal sa atin pero di natin masuklian. At mayron ding mga "sana" na hindi na natin mababalikan.
Kuya Chinito, kung mabasa mo man ito, at pamilyar ka sa kwento natin, paramdam ka. Magpapakilala na ko sayo. Ngayon, para sayo hindi na ako ang... The Choosy One!
12.17.2010
Takbo, Talon, Tili, Hingal
Lagi akong late. As in! Ewan ko ba kung kelan nagsimula yung habit ko na yun. Karamihan sa mga lakad namin ng barkada, late ako.
Nasa LRT na.
Malapit na.
Anjan na.
Trapik.
Me emergency lang.
I'm on my way.
Sorry di ako nagising.
Baha. Ang lakas ng ulan.
Nasiraan ang jeep/fx/van/bus/lrt.
Naligaw ako.
Super bagal ko lang talaga kumilos. Tamad na tamad akong bumangon. Pag gabi feel na feel ko magpuyat. Pag umaga naman ayoko halos kumilos. Yung mata ko parang may padlock kaloka! Heavy duty pa kamo. Kaya dapat ang alarm clock ko, nananapak.
Nung bata ako, pag late kami ng nanay ko sa klase, pagpasok ko pa lang sa klase bubungad na si Mrs. Manlapig ng "Hijo wag mo ng paalisin yung hatid mo, kasi 5 minutes na lang di na sha tagahatid, tagasundo na sha. Pumasok ka pa." At shempre, pasok din sa kin yung classic line na "Ang aga mo... para bukas." Pag naririnig ko yun nung bata ako eh nagtataka talaga ko. Maaga pa daw ako?
Nung hayskul, talagang tumataginting na late akeiwa araw araw. As in di na ko nakakadalo ng flag ceremony kasi humahabol na lang ako. Kadalasan eh nagpa-Panatang Makabayan ako sa gate, o kaya eh nagba-bayang magiliw ako sa gilid ng stage. At minsan pa kamo eh nag-push up ang balingkinitan kong katawan habang umaawit ng "Oh dear Manila High... hear and protect us! Listen and whisper the blessings, we'll raise your banner to the sky... Let us all sing the song of love! Dearest to our hearts, oh Manila Haaaaaaaaaaayyyyyy! Forever will shine!" Ateng lawit betlog talaga ko pagkatapos ng push up...
Nung college wala naman akong ganong talamak na late, kasi neng evening shift ako. Alas kwatro na ng hapon klase mo, di ka pa rin nagising?! Kaloka naman yun... Eh inspired naman ako pumasok lagi nun, kasi nga si Aveno na bestfriend ko at lihim kong sinisinta, eh kaklase ko rin shempre. Basta nung minsan, ang excuse ko eh namatay ang lolo ko. Namatay naman talaga, 22 yrs ago. Kaso nun ko lang ginamit sa excuse letter.
Pero kundi man ako late, adelantada naman ako. Eksena sa Retorika 101. Si Ginang Emperado, napikon kay BM kasi nga dalahira at dakdakina. Eh finals namin yun, kelangan may talumpati. Topic ko eh panliligaw noon at ngayon. Intro si Bakla.
"Magandang umaga sa inyo." hirit bulilit ng badet.
"Hindi maganda ang umaga!" bara ng mangkukulam.
Kinabahan na ang bakla... Gamunggo na ang pawis, di malaman ang gagawin... Ah! Talumpati...
"Baro't saya... Baro't saya..."
"Baro't saya... Mga hagikhikan..."
"Baro't saya... (pabulong) putang ina..."
"Putang ina mo rin!" sagot uli ng mangkukulam.
"Hindi po kayo."
Lahat ng palitan namin na yun eh sa tono pa rin ng pagtatalumpati. Nakaraos naman ako sa talumpati ko, matapos kaming magmurahan ni Ginang Emperado. Ang ending: dos palakoles ang grade ko. 77! Kaloka! Di nga ako na-late, nakipagmurahan naman ako sa prof ko... Sana na-late na lang ako ng araw na yun.
Sa trabaho, madalas din akong ma-late. Lalo na pag regular na. At sangkaterba naman talaga ang excuses ko sa mga boss. Ning in fairness, di ko na minsan pina-praktis. Hinika ako, di makabangon, nagtatae, pinilit lang pumasok, masama ang pakiramdam. Ning waley yan! Pang amateur lang yang mga excuses na yan.
Yung level ng excuses ko, mapapraning ka. Binaha sa LRT, napagbintangan ang pamangkin kaya nasa presinto, me hearing sa kaso at na-late ang judge, "family emergency" at galing pa sa Batangas, me nagrambol at naipit ako sa sidewalk kaya di ako makaalis, nanganak ang kapitbahay at walang kasama sa hospital. Yung mga alibi ko na yan, nangyari naman talaga. Minsan nga lang, hindi sa kin nangyari. Nakita ko lang, nabasa sa dyaryo, o kaya narinig sa katabi sa MRT.
Kasi ba naman si Rebekla, 8PM ang usapan, maliligo sa bahay 830?! Kundi ba naman ako talagang nananadya. At nakahilata pa, ang reply na sa text kung nasaan eh "On the way na, wait lang po."
Eto ka na, nung Nov. 5 eh trip to Palawan kami. Pero nauna ang flight nila ng isang araw. Thurs sila, Friday ako gogora. 3:55 ang lipad ko, ning 11am nasa skul pa ko sa Taft Avenue at nagpapasa ng thesis. Ang adviser ko na duda ata sa gawa ko, ang gusto nya eh dun mismo sa harap nya isusulat ang buong Chapter 5. Kumusta naman yun davah?!
Nakaalis ako ng jopisina nya, 1pm na. Lipad Beki, lipad! Pagdating ko ng hauslaloo, 1:50 na. Empake pa lang ang beki nun. Ay Ateh, good luck! Impernes pag paspasan maaasahan naman si BM jan. Ayun, 2:15 nakaalis na ko ng haus. Abot-abot ang dasal ko na sana eh umabot ako ng 3PM sa airport. Anonas to NAIA 3 -- 30 minutes?!
LRT, MRT, boxibells. Nilipad ko talaga ang EDSA ning! Pagdating dun sa paikot, potah trapik pa! Mcdo pa lang sa tapat ng airport, bumaba na ko at tumawid ng hiway. Takbo, baliktad na yung payong ko, hingal na hingal na ko. Dumaan pa ko sa ilalim ng tulay, puro putik na stilettos ko, takbo pa rin! Potah, pati escalator di nakisama, waley! Sira si esca ampotah! Takbo, nilaktawan ko na ata yung benteng hakbang. Pak! Nakaabot sa gate ang bakla. 2:50PM. 35 minutes!
Sa sobrang hingal ko, yung bote ng mineral water nung ale, pasimple kong hinablot sa trolley. Keber na sa TB! Uhaw na uhaw na ang katawang lupa ko!
Akala ko, natuto na ko. After a week, Sime and Sulay conquers KL naman. Ang aga aga ng gustong oras ni Sime na magkita sa jerport eh 1055pm pa flight namen. 7pm, tumawag pa si bakla para pilitin akong umalis na. Eh ako lang ang me kopya ng tiket. Tiningnan ko yung tiket habang mega chat pa kamo kami sa FB. Syet! 2055 yung time... Putek! 855pm pala alis namin! Ayun, lumipad na naman ako papuntang Terminal 3. Habal habal na kamo ang sinakyan ko mula Ayala.
Eto na, arrive on time na ako sa check in counter. Eh si kuyang ungas, mega offer. Free rountrip ticket daw, anywhere, within 6 mos basta pumayag kami na ma-delay ang flight, kasi puno daw. Mga oportunista payag naman agad! Around 850PM, last minute biglang di na daw kelangan kasi maluwag na daw uli. Potah! Takbo na naman kami papunta sa gate kasi aalis na ang planelilet. Lenshak hinarang pa kami sa immigration kasi di ko nai-print yung hotel accomodation.
Kaya nung makalusot, at nakalagpas kami sa metal and baggage xray, di na kami pinagsuot ng shoes at tumakbo na kami sa eroplano. Heto kamo ang pruweba:
Hay! I've learned my lesson the hard way. Wag magsusuot ng shoes na de-sintas pag eeksena ng takbo sa airport. Panalo, pwede nang pang-Koreanovela!
****************************************
Yan ha, tinutupad ko ang promise kong Nine Mornings... Aba mga beki, damihan nyo naman ang comment para inspired ang bakla... Ang sarap kayang magbasa ng comments nyo. Mwahugs!

12.16.2010
The Beki Code
Sensya na at nanahimik na naman ang BM. Eh kasi nagpapagawa kami ng hauslaloo... Yung todong haus na pink na, wala ng lipatan, wala ng ibahan ng kulay, wala ng atrasan. Pag gawa na yung balur, post ko ditey ang piktyuraka ala-Mandaya Moore hihihi... Anyway, eto at sisipagan ko ang buong season ng simbang gabi. Every 1:43 ng madaling araw, abangan mo, magpo-post ako ditey ng bagong blog.
Nine mornings, nine blogs, nine stories, one BM to rule them all... Hihihi! Pak!
**********************************************
Halos linggo linggo eh nasa Casa ako ng sisteret kong si Mamagan. Present lagi ang mga beki. Palagi ding may dumarating na mga baka. Kaya linggo linggo din eh nagpapastol kami. At sa dinami-dami ng baka na naglabas masok sa balur na makasalanan, at sa dinami-dami ng eksena naming mag-aate, nabuo ang "Beki Code"... Isang koleksyon ng mga Do's and Dont's sa buhay ng mga citizen sa Bekilandia...
Rule # 1: Prioritize Bekihood Rule
Sa Ina ng mga rule na itey, ito ang pinakamahalaga. Laging mauuna ang kapatiran. Unahin ang sangkabaklaan, bago ang kalalakihan. Friendship muna bago kembang. Bekihood over Bros. Arya!
Pag inuna mo ang etits kesa sa friendship mong bekla, isang kang malaking EKS.
Rule # 2: Ang Kay Aya Rule
"Beks, walang talo-talo." Yan ang una at Golden Rule sa pagiging beki. Dati nga, me nakaaway ako na friendship kong beki kasi daw nilandi ko yung nilalandi nya. Impernes, nag-kiss nga kami nung otoko. Pero yung moment na yun kasi, nasa buffet kami. As in buffet ng mga saging na buhay. Kaya ang nasa isip ko eh free for all ang eksena. Eh hindi pala, minasama ni Beks yung eksena namin nung kulakadidang nya.
Sa amin ng mga ate ko, unspoken rule na yan. Pag napa-notaryo na, waley ka nang K -- as in kembot -- kasi respeto ateng... Pero kung karir lang naman, for the sake of pagpapastol at pagkamot ng kati, dapat eh clear ang usapan. Basta walang pailalim na transaksyon...
Nung isang linggo lang, nalurki ako. Me tatlong baka: Si White Ranger, si Green Two, at si Banana Man. Me tatlong beki din, si Mamalin, si Mamaru, at si Mama Trony. Kay Mama Trony napunta yung si Banana Man, hihihi... Hipon pero performance level! At impernes saba naman talaga ang lolo mo. Solve na ahehehe...
Si Mamalin, mega text sa organizer: "Akin yung naka-white." Pak! Reservation galore ito! So gora na rin sila sa pinto ng langit. Eh di isang beki na lang, at yung isang kuya na naka-green. Eh witchiririt nya raw bet si Green Two. Ang bet nya rin ay si White Ranger. C Mamaru, inoffer ang langit at lupa. Kahit wala nang ma-lafang ng isang buwan, matikman lang si White Ranger.
Ning, wagwag lang ang katapat. Sabon sabon, banlaw banlaw, pasok na sa banga. Kahit nalawayan na nung isang beki, gora pa rin si Beki. Kahit kay Aya na, sinunggaban pa rin ni Ara.
Isang malaking EKS!
Rule # 3: Lalaki Lang Yan Rule
Dahil sa madalas ma-violate ng mga beki ang "Ang Kay Aya ay kay Aya Rule", nabuo ang ikalawang rule na ito. Sa amin ng aking mga beki friends, laging linya ang "lalaki lang yan"... Meaning, kahit anong mangyari, dapat unahin ang bekihood -- ka-level ng braderhood at sisterethood.
Sa amin nina Sailor Pluto at Sailor Mars, pati sa kin, si Chebyusa, never kaming nag-away dahil sa lulurki. Nag-aaway kami dahil sa pagkain, nag-aaway kami dahil late sa usapan, nag-aaway kami dahil sa kataklesahan ng bawat isa, pero never sa lalaki. Kasi nga, "lalaki lang yan."
Isang giant TSEK!
Rule # 4: One-Week Rule
Kapag bet mo talaga si lulurki, pwede naman. Pero dapat "tinikman" lang sha ni beki friend mo ha, at hindi "bowa". Kasi kung bowa na nya itu, ning Galema ang arrive mo nyan. Pero kung kembot lang naman, at wala naman shang feelings ke boylet, magpaalam ka muna. Wag mo naman itext agad at offer-an ng mansyon at milyones. Tsaka maghintay ka atleast a week bago mo pormahan si kuya. At lalong-lalo na, wag mo namang tikman sa parehong gabi. Para na rin kayong nagkembangan ng ate mo nun!
Dapat palaging sundin ang "One-Week Rule". Kung sina Basha at Popoy me Three-month Rule, mas malalandi naman ang mga beki kaya isang linggo lang. Sabi nga, it's depends on the timings. Taymingan mo ateng!
Pag nakapaghintay ka ning, isang malaking TSEK!
Rule # 5: Hand Me Down Rule
Konektado ito sa ating "One-Week Rule". Pwedeng ma-bypass ang "Kay Aya Rule" pag lumipas na ang isang linggo, at di pa nagsisintimyento ang frend mo. Meaning, di sha seryoso ke otoko. Pwede ring arborin ang baka, basta kembot at kuda lang ang namagitan sa kanila. At dapat, laging magpapaalam.
Parang kami nung isang ate ko. Gora kami sa massage parlor kembot. Aba winner sa hagod si Kuya. After ilang sahod, gora kami uli sa same massage parlor. Si Ate Medusa ko naman ang nagpahilot ke kuya otoko kasi me bali daw sha sa palasingsingan. Eh di winner nga talaga si otoko, napatunayan na naming duwa. Kaya after uli ng ilang sahod, kaming duwa iba na kinuhang komadrona, at si Valentina naman ang kumuda, este nagpahilot. Proven and tested, talagang winner sa haplos si lulurki. At kaming tatlo, proven na pare-parehong makakati.
Isang malaking TSEK kasi di kami nag-away kasi nga "lalaki lang yan." Pwede naman ang hand me down...
Rule # 6: Beki-talk Syndrome Rule
Magsalita ng beki talk pag me kasamang otoko, hayaan mo shang ma-op kasi nga "lalaki lang yan". Hehehe... Kami naman ng friendship ko, depende. Kapag mejo shunga ang mga boylet, english englishan ang drama para ma-intimidate. Pag mejo madakdak si lalaki, as in maboka at makuda, silent kyeme kami. Meron pa kaming mga "beki conference" at "beki meeting" sa loob ng room para di kami maulinigan ng mga baka.
Ewan ko ba, kahit saan ang beki nakakakita ng imbentong bagong salita. Nung minsan di ko ma-gets yung spluk ng beki mae ko na sisteraka, isplukara kasi ng sisteret, "Getchina mesh na ang Dianne Castillejo sa refrigiratorade, iiskyerdahin ko na itembang para mag-baylamos ang mga tummy-tuckables ketch!" Asus ko, kunin ko na daw ang pills nya na "dianne" sa ref, iinumin na nya ito para mag-babye ang mga bilbil ng bakla. Hay kalurki!
Ang beki-talk eh hindi lamang yung popular na gay lingo, na mejo naiintindihan na rin kasi ng mga otoko. Ang mga boylet ngayon, pamilyar na sa tunog at pilantik ng mga salitang bakla, kaya nage-gets na rin nila yung mga "chaka, kembot, kuda, crayola, winona, lucila laloo" at anik anik pang mga salita na pambeki.
Considered na rin sa beki-talk ang paraan ng pag-iinarte ng isang beki, lalo na pag me kausap sa fonelilet at akala ng kausap nya eh babae sha. Beki-talk na puro hangin, halinghing, paungol, paungot, parang kinakapos ng hininga na hinihika pero malande, at palaging pabulong.
Kasi yung si Mamaru, me mga ka-chat yan na otoko, ang press release nya eh gurlilet sha at piktyuraka ni Mamagan ang avatar nya sa YM. Tapos pag mega call na si otoko, maririnig mo na lang yan sa ilalim ng kumot na umuungol ala Linda Blair. Sapi-sapi ang dating neng, uso pa naman ang horror pag Pasko.
Wag ka nang makiungol, kaya na nya mag-isa ang dolby digital na surround sound ng pag-ungol nya. Pag lumikha ka ng kahit anong ingay, isang malaking EKS.
Rule # 7: Mutual Friend Rule
Pag me naispatan kang cute na nasa friend's list ng beki friend mo, at bet mo si Cute na kuya, pwede mo naman shang i-friend. Basta nasunod mo na ang Hand Me Down Rule at One-week Rule. Pero shempre, sabihin mo pa rin. Kasi baka maloka na lang si friendship mo, mutual friend nyo na ang iniirog nya, kawawa naman sha davah. Baka labs na labs nya talaga si Otoko, tapos kinakarir mo na pala.
Eto isyu sa min ng friendship kong si Mamagan -- kasi nga laging nagmamaganda. Pano pag mahal mo nga si otoko, at kinarir sha ni beki friend? Katwiran nya, mahal mo nga, mahal ka ba? Ay naku, kung ako, shempre dapat walang pakialamanan. Ang kay Aya ay kay Aya, ang kay Ara ay kay Ara, at ang kay Ana ay kay Ana. Eh pano kung waley namang feelings si Felipe kina Aya, Ara at Ana?
Pag ganyan na ang tinginan nyo, at biglang minutual friend sha ng ate mo, magwawala ka ba?!
Sa blog kong ito, abstain pa rin ako. Kung magko-comment ka, isama mo na to sa isyung irereact mo. At pag nag-comment ka nga, ikaw ang may malaking TSEK!
Rule # 8: The Syokoy Theory
Kahit gano kapanget, pag tumatagal nagiging pwede na. Kung gano kataas ang "Syokoy" factor, ganun din kadaming beer at redhorse ang dapat inumin para sabihing, "Pwede na."
At dapat, kahit gano pa ka-syokoy ang bowa ng friendship mo, walang laitan ng minamahal. Baka naman lasengga lang talaga ang kumare mo, kaya gwapong gwapo sha sa tukmol nyang bowa. Kung ganun man, keber ka na lang. Titigan mo na lang maigi si Kuya, malay mo naman makita mo kung anu bang nakita nya.
Sabi nga sa "Syokoy Theory", pag mas tumagal pa, papasok na rin yan sa banga.
Rule # 9: Silencio Rule
Walang laglagan. Kung anong eksena ng beki friend mo, hayaan mo sha. Kung eksena nya eh babae sha, trip nya yan. Walang basagan ng trip. Kanya kanyang press release tayey sa mga karir natin. Nung minsan ang press release ko eh me bowa na ko, ang mga friendship kong beki, suportado ko sa statement ko na yun. Nung minsan naman, brokenhearted kuno. Pak! Pasok pa rin sa banga yan. Moment ko yun, walang pakialamanan.
Kami nung isa kong Ateng, magaling kami dito. Pag di nya bet uminom, ispluk ako ng "Ay may sakit yan sa tyan eh, acidic, keme-keme..." Pag di ko bet ang fez ng baka, ispluk naman yan "Ay di yan pwede ngayun, me bowa na yan magagalit sa kin yun pag nalaman na kinukunsinti ko sha..." Nung minsan, ang press relase ko sa payola nung isang boylet eh GL -- ganda lang -- pero kinudaan ko talaga ng tuition fee si kuya, quiet lang si beki mae kahit alam nya.
Ganun dapat ang mga beki, pag nasa casa, dapat saluhin ang bawat isa. Sagot ko ang kaldero, sa kanya ang takip. Sa kanya ang kwento, sa kin ang sulsol o backup info. Sa akin ang palusot, sha ang tagahawi sa talahiban. Suportahan shempre.
**********************************************
Marami pang unwritten at unspoken rule ang mga beki. Pero para sa kin at sa mga kaibigan ko, dalawang bagay lang ang rekado, at pag nasunod mo to lagi, asahan mong habangbuhay na buo ang beki-hood. Dalawang bagay lang: individual differences, at respect. Consider those two things ----> kapatiran ng sangkabaklaan habangbuhay!
12.05.2010
Babae sa Hiway
Hanggang ngayon, di ko pa rin makalimutan ang isang eksenang nangyari sa min ng kaibigan ko na si Sime. Sha si Sime Kho. Ako si Sulay Mhan. Friends for life. Ahehehe!
December, 2007. Excited na excited kami ni Sime sa trip namin na to. Minsan lang kasi kami mag out of town at planado talaga tong travelocity na iteklaboo.
Destination: Pampanga. Murayray daw kasi ang mga yellow fin tuna dun. Mamamalakaya kami ni Ateng Sime. Complete with lambat, pisi at pamingwit, pak na!
Pers taym mag-drive ni Ateng Sime. Shempre nasa pasenger seat akeiwa, at sha ang nagda-drive. Ay kabado ang bakla kaya mega seatbelt kami pareho. Eh si bakla mejo kaskasera... Kaya todo kapit talaga akeiwa sa upuan...
Inabot ka mi ng gabi kasi kalndian, si potah me date pa muna bago kami nagkita. Kaya halos 9pm na nung nakalagpas kami ng NLEX. Sa SanFernando pa kasi kami pupunta, mejo di rin namin tukoy panu magpunta dun.
Eto na, naligaw na kami... Paikot-ikot na kami sa kalsada, nadaanan na namin ng paulit-ulit yung mag-asawang bato na nasa gilid ng kalsada. Pareho pa naman kaming duwakang kaya ultimo pamahiin pinatulan na namin: binaliktad ko ang damit ko. Si Sime dakdak na ng dakdak kasi ako ang incharge sa navigation.
Sa isang part ng kalsada, me paliko na mejo madilim. Ewan ko ba, parang biglang nagtayuan balahibo ko. Pati si Sime napatigil sa pagdakdak kahit dire-direcho ang takbo namin. At sabay pa kaming nagtinginan, sabay lingon sa rear view mirror.
Putang ina!
May babaeng nakaputi na nakaupo sa likod. Maitim ang paligid ng mata. Mapupula na parang puyat. Maputi ang mukha. Mapula ang labi na parang mga natuyong dugo. Maiitim ang ngipin.
"AAAAAaaaaaaahhhhhhhhhh!!!!!!!!!!!!!!!!!!"
Sabay na sabay pa kami ni Sime. Sumigaw kami ng pagkalakas lakas. Tumili kami ng tumili habang nagpapapadyak ako sa upuan. Si Sime naman eh biglang tinapakan ang preno habang hinahampas ang manibela na para bang mawawala ang bangungot na angkas namin sa likuran.
Sa sobrang lakas ng pagkakapreno ni bakla, napasubsob kami pareho sa dashboard. Nagpapakiramdaman pa kming dalawa, parehong ayaw umangat dahil baka pag-angat namin eh nasa tabi na namin ang misteryosang babae.
Dahan dahan akong umangat at umayos ng upo. At napanganga sa aking nakita.
Ang babaeng nakaputi, nasa harapan na ng kotse. Nakahandusay sa kalye habang gumagapang na papalapit sa amin! Sigaw na kami ng sigaw ni Sime. Di ko na malaman ang gagawin ko. Kung tatakbo ba ko palayo, iiwan ang kotse at kaibigan ko, o sisigaw nang sisigaw.
Lalo pa kong naloka ng biglang may lumulutang na isa pang babaeng nakaputi na mas matanda sa babaeng sakay namin sa likuran kanina. Huminto ang matandang babaeng nakaputi sa tabi ng babaeng gumagapang papalapit sa amin at...
Piningot ang babaeng nakaputi.
HUH?!???
Nagkatinginan kami ni Sime at inilapit ang mga mukha sa windshield ng kotse.
"Sabi sayo, lagi kang mag-seatbelt pag mananakot ka! Shunga shunga ka talaga! Hala! Uwi!" at saka kinaladkad ang babaeng nakaputi papalayo sa amin. Kawawang White Lady, nabangasan dahil hindi nag-seatbelt.
Ang alamat ng sinturong pangkaligtasan, baw!
Ahahahaha! Wala lang, napanood ko lang sa FB, magawan ng alamat. Ahehehehe! Yung totoong post, mamaya na po ahihihihi!