10.02.2010
Kalakal
Bago ko tuluyang magdadakdak dito, isang sumbat muna. Mga dautera kayo! Di nyo man lang pinansin yung boobs ko! Umefort effort pa ko ng photo shoot dededmahin nyo lang pala. Hmpf! Di bale, balang araw, tutulo rin mga laway nyo sa alindog ko! Aherrrrm... Ok na ko. Kalimutan nyo ang eksena ko. Now on with the post.... Tenenenenenenen...
"Isang kahig, isang chupa. Ganyan kaming mga bakla...."
Ayoko ng tawaging BBB yung haus ketch ngayun. Iba na sha. "House of Sonya" na ang bet kong ibinyag sa balur na itey. O di ba parang may touch of fashion and mystery. Parang bahay ng lagim lang. Plangak!
Anyway, bago akeiwa lumipat sa House of Sonya, habang nakatira pa ko sa iskwater noon, mulat na mulat lang talaga ang mga mata ko sa kajirapan ever. Kaloka naman kasi talaga mga mare! Kung pamilyar ka na sa mga limos limos, mga budol budol, at pati na mga isnats isnats, ay ning... prepare thyself!
Wichiririt ng maya! Wiz lelebel ang mga knowing mong chuchukachuchu ng mga mahihirap para lang kumayod at kumahig ng pwedeng lafangin sa araw-araw.
Nung Saburdey lang eh dumalaw akeiwa sa Iskwater kasi padasal sa jumangkin kez na nadedlak nung umeksena si Ondoy. Nagka-chikahan kami ng mga relationships kez sa iskwater at may I walk down memory lane naman daw ang baklita sa mga aneklavung pagkakakitaan galore na pinatulan kez dati.
Anjan yung normal na kalakal. Az in pag havey ka ng mga papel papel, upuan na nasira kasi jubis ang umupo, mga lumang glass slippers, kordon ng nyelpown (ay waley palang kordon ang nyelpown -- landline na kordon pala!), mga julambre, basyo ng tequila nights at redhorse, lahat lahat na...
Shempre tatanggapin yan ni DP. Si DP yung ex-juwawits ko. Dating Pa. Hihihi! Masabi lang na naka-move on na si Bakla, kahit malabo pa sa tubig kanal yung mub-on-mub-on na yan sa bukabularyo kez. Anyway, pwede nang pambili ng viand yung pinagbentahan ng kalakal. Yung isang beses nga na nasunugan sa looban, yung isang bahay dun na maraming tambak na kalakal sa kwarto parang kumita pa eh. Instant dispatsa ng mga walang wentang gamit, naibenta pa lahat ng kalakal sa bahay. Tubo pa si Aling Luming! (Insert -- Wag ismolin si Aling Luming, tatakbong Kapitana. At wag lalong ismolin si DP, tatakbo ring Kagawad si Tukmol. Isi-single vote ko sha malamang!)
Bukod sa pangangalakal, anjan din ang mga karerahan. Pamilyar naman siguro kayo sa karera ng mga motor at karu davah? Ganyan din ang principle behind the karerahan ng tricycle. Yung pot money eh Wanpayb (1500), minsan Tukey (2k) o Tupayb (2500). Maghahati-hati ang mga tukmol sa pampusta at hahanap sila ng mauuto na lumaban.
May variations pa yan, may "backride-is-a-must event", may "angat-sidecar event", may "angat-likod-while-umuusok-ang-shumbutso event" at meron din atang "angat-tumbong-ng-driver-at angkas event". Basta ang bilin nila sa nakaangkas na shunga-shungang nauto din, WAG TATALON. Simpleng instruction davah? Nung minsan na umangkas akeiwa, kaloka muntik ko nang malunok yung adam's apple ko at pagluwa ko eh adam's aratiles na ang nakalitaw.
Pumupusta ko jan minsan sa mga karera karera nila na yan. Pero mas madalas akong pumusta pag nagdudutdutan sila. Shempre may mga dayo lagi. Ang mga tinamaan ng kukunat, tuwing mahina sila lumaro, saka ako pinapapusta. Lagi tuloy talo.
Ang pinakabet kong karera sa Iskwater eh yung sa kalapati. Ite-train muna si ibonella. Pag redi na, sabay sabay silang mga official representatives na gogora sa isang malayo-layung lugar at saka ihahagis ang ibong may laya ng lumipad. Saka magsisitakbo pauwi ang mga tagahagis. May abang na tagahintay naman sa bahay nung mga kasali. Inter-iskwater ito kadalasan, me mga delegation from neighboring iskwater communities. Kanya-kanyang bet ang mga indigent. Pagronda ni shulapati sa balur, shokbo na agad ng umaatikabo si runner. Kelangan madala sa rendezvouz point ang ibon-boronbon para pruweba na nauna yung alaga nila. Pak! Sayo na ang pot money.
Shempre pag eleksyon. Ay churi ka, pati ako nakikipirma din sa payroll ng mga politicians. Basta may 1x1 id pic ka, may instant ID ka, may sweldo ka. Lalo na pag nanalo si Congressman. Panalo ka rin kasi may pa-swimming at pa-liga sa covered court.
Yung pinakanaloka ako na kalakal ditey, eh yung kalakal ng pension, benefits at beneficiaries. Si Carlota, sa araw araw na ginawa ni Kulafu eh dugyot yan. Waing bra, waley deodorant, wiz ang tutbras, wichiririt ang ligo mez. Yung safeguard sa balat ng lola mo, madaling mag-expire. Pero minsan naloka ko, pusturang pustura si babaita. Mega slacks at blazer, san ka pa?! Nag-ahit pa kamo ng kili-kili!
Kamukat-mukat mo, me lakad pala sa AFP si potah. Me ka-join force shang opisyal ng mga sundalo, bibigyan sha ng impormeyshon tungkol sa isang sundalong tegi na. Yung sundalong nategi sa gera slash engkwentro. Tapos kakabisaduhin ni Carlota yung details, at ike-claim nya ang mga benefits nung nateging soldier. As in minsan aabot ng kalahating milyon yung nakukuda nya bilang legal jowa ng namayapang soldier! Porsyentuhan din to mga ateng. Ten percent ang sa kanya, for the effort na magkabisa at maligo.
Per shempre ang pinaka-peyborit kong odd job sa iskwater: the Kembot Trade and Boda Industry.
Pwede ang promisory note: I promise to pay the amount of _______ to Kuya Joystick for the kembot that we will do on the _____th day of _____________, 2010. Isang putok.
Pwede ang mga gadgets at technological advances: pagamit ng brick game mo, pahiram ng PSP mo, palaro ng virtual patintero mo, pa-log in sa internet mo, paharvest ng plants sa farmville mo, at patira ng zombies sa PVZ game mo. Isang putok uli.
Pwede ang hand-me-downs: lumang shirt na cute ang design, slacks na maliit na sa bewang mo, mga polo-polo na panlalaki at di mo na bet magmukhang tiboli, mga vest at chaleko na ginamit mo sa kampanya para barangay chairman, mga sunglass at shades na waley na sa uso, mga sapatos na pudpod na ang swelas pero keri pang i-mr.quickie. Isang putok pa rin.
Pwede ang buffet at food junctions: pancit canton na may itlog at isang family size na RC cola, lugaw sa Tu-Tri na may puso, putlong o buy one take one na barger, tusok tusok ng squidball o chicken ball, at kung talagang taggutom na sila, kahit kaning lamig tsaka sardinas na blue bay o youngstown talo talo na! O kaya eh magpa-nomo ka ng jisang litrong matadoray, or jisang caseseses ng pink/fuchsia/magenta horse. Isang putok, pag madalas makikain, pwedeng dalawang putok.
Ditey sa iskwater, plenty ng mahihirap. Havey na havey ang mga dukha at rated p.g. Sandamukal ang buraot at kupal. Kaya ako lumipat ng hauslaloo. Dito sa House of Sonya, tahimik, safe, may gate, walang buraot, walang kupal. Elegante, may breeding ang neighbors, may ambiance at class, buhay mayaman, eksenang village. Mas masaya dapat ako. Pero nung nag-text si Dating Pa kanina, na-miss ko bigla ang iskwater.
"Bat di ka nagpapakita dito. Umuwi ka na, kelangan ka ng iskwater."
Umuwi.
Siguro nga, mas tahimik ang buhay ko ngayon. Mas safe, mas secured, mas maayos, mas payapa. Bakit pa ko babalik sa lugar na yun kung hindi na ako feeling mahirap? Pero di man ako bumalik sa lugar na yun, malamang habangbuhay ko nang gagawing proper noun ang salitang Iskwater. At habangbuhay din, pag narinig ko ang salitang yun, isa lang ang papasok sa isip ko.
Balang araw, uuwi rin ako.
Hahaha.. Dinedma ang boobs... Jokes... Nice story telling.. Two thumbs up.. Keep it up..
ReplyDeleteawww matapos mo ko patawanin ng bonggang bongga may dramang ganown sa ending?
ReplyDelete.
.
lurkey yan ah. send ka na samin ng map teh papunta dyan sa Iskwater na yan at havs kame ng mga gadgets for more putok. bwahaha.
.
.
nga pala, goodluck sa House of Sonya =p
pwede ko bang guluhin ang iskwater pag bumisita ako and tikman ang Kembot Trade jan? ahahahhaha :P
ReplyDelete'luv etttt!!!! ang saya talaga ng mga adventures mo... =D
ReplyDeletesaya naman hahaha sana matry q rin yang ganyan adventure hahaha
ReplyDeletewinner!! nakakalurkey ang beneficiary career!
ReplyDeleteI wanted to add you up on FB pero I deactivated may account na pala.
ReplyDeletekeep on writing.
Harold
wala po ako masabi, naligaw man ako sa blog mo atleast nawala naman ang pagkaseryoso ko sa buhay... natawa pa ang ng bonggang bongga!
ReplyDeletesalamat sa pagpapatawa...