10.28.2009
Walking Away (SANT Reposted)
Among the campers eh luwag na luwag talaga ang panty ko ke Kirk na taga-Baguio. Ning, long-haired, chinito, mapanga, red lips, parang Igorot God ang lolo mo. Si Kirk eh parang rock concert in motion. Malandi pa kung tumingin. Sha lang ang kakilala ko na dread locks ang hair style, at binagayan sha nito. He still looks clean, yummy and delectable. Lalo na pag ngumiti. Ay mare, ang sarap maging sinaing pag sha ang ulam. Ang sarap nyang papakin.
Kaso, ang kagrupo ko eh si Kevin. Yung brother nya. Akala ko Luz Valdez, Winnie Cordero pala... Si Kevin eh mas kulot, mas chinito, mas matangkad, epitome ng pagka-ungas. Kung si Kirk eh rock concert in motion, c Kevin eh poetry in motion pa lang. Pero may potensyal ng magpaiyak ng mga badesa. At 16, he can be your typical boy next door. Wait till he gets older.
Sa camp eh tatlo kaming super close. Si Kevin, si Ka-te at ako.
SANT. That's Kevin. Sex appeal na nagkatawang tao. Si Ka-te naman eh BCNT. Brain cell na nagkatawang tao. At ako? HVNB. Halimaw sa Vase na nagkatawang bakla. Haggard.
Triumvirate. Si Ka-te eh radical, si Kevin eh illogical, ako eh comical. Si Ka-te eh intellectual, si Kevin eh physical, ako eh social. Si Ka-te ang logic, si Kevin ang attraction, ako ang comic relief. Si Ka-te ang femme fatale, si Kevin ang alpha male, ako ang identity crisis. Saya di ba?!
Matapos ang camp, intact pa rin kaming tatlo. For five years, I can say na tumatag talaga ever ang samahan namin. Kindred spirits. Itey siguro kaming tatlo. Kasi far from each other na ang drama namin. Si Ka-te eh kumukuyakoy sa Laguna, si Kevin eh nagkakandirit sa Australia, and I'm here sa QC, nagluluksong-tinik sa iba't ibang branches ng iskwater. Outsourcing na nga ako madalas sa ibang iskwater eh. Pero kineri-bambam namen ma-finder's keepers ang elusive na happiness sa aming friendship. Three less lonely people.
I'm sure alam ng dalawa toh. Ang naka-stapler kong puso, tumibok ng bonggang-bongga para kay Kevin. Ang totoy na si Kevin. Ang ungas na si Kevin. Ang cute na si Kevin. Ang bunso na si Kevin. And yes, ang getting yummy na si Kevin. After the camp, plentitious times pa akong nagpabalik-balik sa Baguio at nakitira sa bahay nila. Yesterday!
Mega apply pa ang vaklushi sa Baguio State Univ. Di ako mapakali sa Manila. Feeling ko andun ang ligaya't saya ko sa bundok ng Benguet. Kaya kahit lima silang magkakapatid na lalaki, gora pa rin ang bakla. Nung mga eksenang yun eh maton pa trulili ako. Never nila ako na-Q&A kung badesa ba akeiwa at kung me palikpik ba kong nakakubli. Basta andun lang ako lagi sa haus nila.
Grabe silang uminom! Nung college days ko eh feel na feel ko talaga maging tumador at tanggera. Ilang beses na halos akong gumulong sa sarili kong suka. Pero never akong nag-blackout. Sa bahay nila Kevin eh naranasan kong mawalan ng ulirat sa sobrang kalasingan. Uminom ka ba naman sa harap ng bonfire mula alas otso ng gabi hanggang umaga eh. Kaswal lang yun ha. Me pulutan naman, kaso paiba-iba ang alak, puro pa hard. Kinabukasan ko na malalaman na si Kevin pala ang nag-aruga sa akin sa magdamag. Amin ang gabi. Wit ko na alam kung na-rape ba akeiwa.. Parang hindi naman!
Secret lover ang drama ko. Di applicable sa lolo mo ang kasabihang "Walang matimtimang lalaki sa baklang magaling lumuhod." Lalong hindi pasok sa banga ke Kevin ang motto ko na "Habang may poverty, may baklang masaya". Eh wala naman shang mapapala sa kin, me pera naman sha. Kaya nilihim ko na lang ang pagsintang pururot ko. Baka ma-jombag pa ko. Kasabay ng lihim na toh, shempre ang paglilihim ko ng pagka-badesa ko.
Eventually nalaman nya rin. Sa isang makabagbag damdaming text message eh umamin ang jokla. And after that, it was never the same. Nagka-wall. Wala namang budwire in fairness. Nagkaroon lang ng harang at pareho kaming hindi maka-oberdabakod.
Kaya ang nabunyag na pagsinta, no choice kundi ibaon sa limot. Hanggang sa mga oras na toh, feeling ko eh anytime na makita ko uli si Ungas, babalik ang kuribdib ng puso ko.
Nung despedida nila to Australia, lasing ang ungas. Na-offend ako, in fairness. Kantahan ba naman ako ng "O pare meron kang bisita. Itsura mo'y parang naluging bakla.." Multong bakla! Yun daw ang theme song nya sa kin! Nun ko lang nalaman na feeling nya eh binak-istab ko sha kasi tinago ko ang pink kong pakpak. Lumipad sha sa lupain ng mga kangaroo na may lamat sa pagkakaibigan namin.
Kasi bakla "pala" ako.
Yung closeness namin ni Ungas, nalipat ke Ka-te. Pareho kaming naging mas close ke Ka-te kasi kumbaga sha yung neutral ground. Sa kanya na ko nagkukwento ng mga kilig ko, ke Ka-te na rin nagkukwento ng mga hangups at lovelife eklabush nya c Kevin. C Ka-te ang naging shock
absorber naming dalawa.
Habang tumatanda eh pasarap ng pasarap si Kevin. Habang sumasarap sha eh palayo naman sha ng palayo sa akin. Although natanggap rin naman nya ang hasang ketch, yung dati naming closeness eh di na naibalik. Pero kami ni Ka-te, mas naging mighty bond ang dikit namin, pati barkada nya ng hayskul inangkin ko na, at close rin naman sha sa iba kong tropa. At habang nagiging ganap ang sex appeal ni Kevin eh nagiging ganap naman ang pagkababae ko.
Kami ni Ka-te, iba naman ang level ng similarities namin. Sa psych, we call this the "peak level" ng pagkakaintindihan. Yung tipong tinginan lang nagkakaintindihan na. Yung tipong kahit magkalayo eh pareho kayo ng reaksyon sa isang sitwasyon. Ganitekla kaming duwa ni Ka-te. Tsaka naman, nickname pa lang panalo na.. Ka-te. Makate. Baklang bakla davah?
Iilang tao lang ang kino-consider kong kasing talino ko, if not mas matalino, sa kin hehehe. Isa siya dun. Ilang beses na kaming magka-chat na wala pang topic eh pareho na kami ng sinusulat. We watch the same shows, read the same books, mas nerd nga lang sha sa kin.
What I didn't know, Ka-te was also into him. Patay na! Nadulas lang yun ofismeyt nya nung tawagin shang Mrs. Kevin Pao. Natulala ako ng mga five seconds. Huli na ang lahat, kahit ibitin nya ng patiwarik at busalan nya yung bibig nung dakdakina nyang friendship eh alam ko na ang totoo. And yes, we fell in love with the same man.
"The boy that we shared" at "the boy that we never had" ang alyas namin ke Kevin. Simply because pareho kaming bigo. Pag nasa Australia si Kevin, ang mantra namin, "I remember the boy but I don't remember the feeling anymore." Pero pag anjan na sha sa Pinas, ay ning, "It's all coming back, it's all coming back to me now" na ang mantra.
Madalas eh magka-conference kami sa YM. Chikahan, bukuhan, laglagan, update, bonding. Mas lamang ang pagiging online friends namin kasi di na kami halos nagkikita.
Later on, I found out na mas madalas pala silang mag-usap ng di ko alam. Naging sila na rin ata ng di ko alam. Nagtatawagan, nagwe-webcam, everything na me long distance relationship. Nagselos ako, pero hallleeeeer? Me karapatan ba akeiwa eh di naman akin yung boylet.. Dahil sa lamat na meron sa pagitan namin, yung initial role ni Ka-te na vulca seal, naging permanent.
Totoo na mahirap pag me pechay ang kalaban mo. Pero mas mahirap pala pag kaibigan mo ang pechay na yun. Sa pagkakataong ito, ako na ang nagkusang lumayo.
Sa kwento naming tatlo, ako pala ang kontrabida.
10.25.2009
LILIP
Nung natastas si Papa Totong sa buhay ko, hinayaan ko lang na nakakabit pa rin ang sinulid ko sa damit nya. Di ko pinutol kahit matalas naman ang pink na gunting ko sa pink kong sewing kit. Di ko nagawang putulin ang ugnayan namin.
Nun ngang burol ng pamangkin ko, nagpunta sila ng aswang last lamay na.
BM: O Pa, bakit ngayon ka lang? One week na tong lamay ngayon ka lang nagpunta.
Totong: Eh Ma, nagkasakit kasi to eh. (sabay turo sa aswang) Aray! (kinurot kasi sha ng aswang. Di ko alam kung dahil sha ang sinisi ni Totong, o dahil "Ma" ang tawag nya sa kin.)
BM: Ito naman, paalaga. Hmpf! (sabay irap sa aswang)
Buong magdamag eh inasar ko ang aswang.
Di ko naputol ang sinulid, kasi solid yun eh. Sobrang tagal kasi ng friendship, mahirap putulin basta-basta. Kahit pa pink ang gunting ko. Sa tingin ko, ang ngipin ng aswang ang puputol sa sinulid na itoh.
Si Magic kusa kong tinastas sa manggas. Pero hindi ko rin tinupi ng maayos yung laylayan. Kasi kahit bumitaw man ako sa kanya, there's a part of me na gusto pa rin shang isuot paminsan-minsan. Kaya kahit ginawa na shang karugtong ng table napkin nung isang badet sa kanto -- na naka-condo -- eh minsan ginagamit ko pa rin ang manggas ko na toh. To remind myself na di ako matrona material. Halleeer, naliligawan na nga ako ngayon!!
Si Marvin, nagkatotoo ang pangako ko sa sarili ko. Isa shang blusang itim na hiniram sa ibang cabinet. Pag holiday, sinusuot ko pa rin ang blusang itim at nakakamukha ko pa rin si Snooky Serna. Pag suot ko ang blusa eh gumaganda pa rin ako. Pero shempre paghubad ko, babalik ako sa pagiging bakla. Wala na yung initial na kilig, kasi naging kembang lang ang pundasyon ng relasyon. Ay mali. Wala palang relasyon. Walang tatahiin. Walang tatastasin. Ibang damit pala sha.
Tsaka usapan kasi namin, pag ukol, bubukol. So far eh wala pa namang bata sa lalamunan ko, di pa buntis ang adam's apple ko. Negative pa rin sa pregnancy test ang laway ko. Safe na safe pa rin.
Kaya kay Arjel, I'm taking it slow. Ang sarap nya kasing humalik. Dun ako nawiwindang ng todo eh. Kasi wala naman akong binigay sa kanya. Sabi nya nababaitan daw sha sa kin kaya sha nasa tabi ko sha ng panahon na yon. Pero ayokong bigyan ng kulay lahat.
Susme, ni hindi ko alam ang cellphone number nya! Ang usapan lang eh sha ang magtetext pag pupunta sha sa haus na pink. Ni hindi ko alam ang friendster o facebook nya. Nag-comment sha sa facebook ko, pero parang one time big time ito. Di na naulit, mukhang di rin nya ino-open.. Ah, baka nasabit sha uli sa *ubo! ubo!* budwire... Ah, baka kasi naninigas uli ang itits nya.
Tsaka ano ba mapapala nya sa kin? Kundi pera, ano? Katawan ko? Kumusta naman. Realistic din ako noh. Di ko kasing sexy si Angelina Joey. Wala akong bulltroop vest. Kaya I'm taking it slow talaga, to the highest slow level. Kung totoo na nababaitan sha sa kin, e di babaitan ko pa lalo. Kung pera naman, eh di prangkahan. Pwede naman eh.
Pero walang pusong involved. Mahirap kasi yung me pera na, me puso pa.
Bago ko pumasok sa bagong pagsusulsi session, bago ko simulan ang cross stitch ng buhay ko, bago ako magburda ng bonggacious na bonggacious, at bago ako mag-gantsilyo ng table napkin, lililipin ko muna ung mga nauna. Tatahiin ko yung gilid. Papatasin ang himaymay. Tatanggalin ang mga himulmol. Puputulin ang mga sinulid.
Para pag sinuot ko ang bago kong t-shirt, handang handa na ko.
10.24.2009
Kay Prince Caspian
- Nagsimula ang lahat sa isang comment. Na nasundan ng isa pa, at isa pa, at isa.
- Anonymous said...
-
Putcha, pare. Are you really Baklang Maton??? Your looks do not "justify" your language! hahaha. I am ready to get out of the closet if you will go on a date with me. Hahaha. I am curious, though: Do you speak the way you write?
- October 9, 2009 9:27 PM
- Baklang Maton in the Suburbs said...
-
Oi anonymous.. Pakilala ka kaya. Uhmm... na-flatter naman daw ang kipay ko dun.. Kung pano ko magsalita in real life? See for yourself... Hehehe... Cge nga I dare you, date nga tayo, tingnan natin kung di ka mapatalsik sa Narnia pag nakita mo ko. Ahihihihi....
- October 10, 2009 12:12 AM
-
Yo, BM. Where do you usually hang out? I work in Ortigas Center. Maybe we can meet there one of these days? Hmmm... I am terribly curious. Why do you write that way? hehe. (No offense meant: I am just amused.) I "discovered" your blog only yesterday. I read your previous entries, and was smitten (?, hahaha) by your colorful (sometimes hard-to-read) language. So, paano, date tayo? Hahaha.
- October 10, 2009 9:07 AM
- Baklang Maton in the Suburbs said...
-
Dalawa na ang anonymous... Aba aba aba, baka akala naman nila eh isa akong kaladkaring bakla! Pano kita ide-date eh ayaw mo nga magpakilala... O leave me a message sa YM ko. Obvious naman cguro kung anong name. bm_baklangmaton@yahoo.com (makagawa na nga ng account) hihihi!
- October 10, 2009 11:32 PM
- Baklang Maton in the Suburbs said...
-
Hmpf! Kumuribdib pa naman ang dibdib kesh sa kilig, chikadora lang naman pala tong si anonymous... Hay naku, isasali nga kita sa next blog ko. Madaot ka ng bonggang bongga. Ching!
- October 11, 2009 11:23 PM
-
-
Yo, BM. My apologies for the delay. No electricity in my community on Sunday (power was being rationed, remember?), and therefore no Internet. And Monday was pure, unadulterated, energy-stripping office hell. (Your anonymous lovey-dovey is no call-center guy: strictly 9am to 5am guy!)
It's now 12 midnight, and all my brods and sis are asleep. Moments ago, I took a nervous peek at your blog, and there you were, unleashing mind-boggling words of wisdom and wizardry. What in heaven's name is "madaot"? And what is "kumuribdib"? Hahaha.
Anyway, I read your newest entry. Nandun ako, yay! Baka naman pag magkita tayo eh i-blog mo ako, with my pic (or our pics together)!!! Hehe. Natakot si lolo mo.
Hayyy... Paano ba 'to? ... - October 13, 2009 12:15 AM
- Baklang Maton in the Suburbs said...
-
ahhh....nasa Narnia ka nga pala... daot is Lait, kuribdib is kilig. OMG ka ha, as in oh my gawsh! anyway, cge walang pic. pero dahil "date with a star" ang gus2 mo, malamang i-blog talaga kita ng bonggang bonggga... email me na lang kc. to naman eh. pa suspense!
- October 13, 2009 5:03 AM
- Anonymous said...
-
Tsk, tsk, BM, BM... And to think that I am about to email you.
Can you be mine completely? - October 18, 2009 8:00 AM
- Baklang Maton in the Suburbs said...
-
Aba naman Mr. Anonymous... Lagi kang pasok sa banga sa mga eksena mo. Anumpechanah?! Possessive ka na di ka pa nga nanliligaw?! Tsk, Tsk, ka rin. Kumuha ka ng number sa guard. Hehehe!
-
Yo, BM.
Truth is, I am having thoughts. I'd like to get out of Narnia, but I don't want anyone to break my heart. I am a one-man guy, ahem, and you might, one day, only poke wicked fun at me, especially with your achingly funny way of telling stories.
You are still a student? I thought all along that you had finished college and were working full-time.
And those new guys in your posts... Ummm...
Will you be careful with my heart?
--Prince Caspian - October 21, 2009 6:45
- Baklang Maton in the Suburbs said...
-
I'm working and studying.. Pag Saburdey akez nasa iskulilet.. Master showman na ang level ko nini... kaya nga haggardness lagi eh..
My Prince Caspian naman kasi, wichiririt ng maya! Anu ber talaga habol mesh sa kenchiwa? Shutawan ba itu? Charot!
Panu kita ipo-poke eh kaw nga dapat mag-poke sa ken! Puke ka! Siguro wichikels mo pa akengkay kilala, basahin mo muna LAHAT ng post kesh, para malaman mo na kahit nakapila silang lahat, lahat naman sila eh binigyan kez ng Halaga.
Be brave little one... I'm waiting for you, my Prince Caspian. - October 21, 2009 10:44 PM
This is an open letter.
Dear Prince Caspian,
Are you sure you're in Narnia? Baka naman di ka si Prince Caspian, baka naman Prince Casper pala talaga ang dating mo. Wichiririt ko maintindihan mga dayalog mo kuya!
Yung totoo? Kinikilig ako eh. Yung curiousity ko talagang in-arouse mo. Curiousity lang ha. Kinikilig ako everytime I have a new post, at ikaw ang unang nagko-comment. Hello?! Bakla lang ako! Kahit pa virtual ligaw lang ang ginagawa mo, ligaw pa rin yan.
Pero lugi ako eh.
I've bared my soul sa blogelism na toh. I'm practically naked -- wala man lang plaster. Wit man nyo alam ang lahat ng details ng mga kembot ko, wit man itu Xerex Xaviera level sa pagkukwento, halos alam nyo na kung sinetch itech si Baklang Maton. I even posted my pictures!
Ikaw? Sino ka ba talaga? I don't even know your namesung! Alangan namang wit na ako mangarir kasi anjan ka na. Eh asan ka ba? Naku ka. Kah-kah--loh-kah!
Last na toh. Kahit mag-react ka sa mga post, kahit mag-comment ka ng bonggang bongga, di na kita rereplayan. Ultimatum na toh. Come out, come out, wherever you are, Prince Caspian... Leave Casper behind. You know my email.
Hayaan mo namang kiligin ako ng tuluyan.
Yours for now,
Baklang Maton
10.21.2009
T-Shirt
Eto namang si "anonymous commenter" eh puro porma. Susko, nasa underground pa ata ng Narnia si kuya kaya ang showag ketch sa kanya nowadays eh Prince Caspian. Prince Caspian, wichiririt na kita mahihintay kasi naiinip na ko. Aandar na ang tren, with or without you. Kung nakabili ka ng tiket, pwes hanapin mo na lang ako, nakaupo lang ako somewhere, nakatanaw sa bintana, naglalakbay ang diwa.
Aba naman, malay ko kung pinagtitripan lang pala akiz ng nyorkada davah? Baliwag pa naman, to the highest mental hospital level, ang mga nyorkadas kez, baka isa sa kanila itung si Prince Caspian. Tapos wit naman talaga sha dumidiga, kumbaga eh pure paramdam at parinig pa lang itu, wala pa sha sa level ng harana at chocolates and flowers. Agree mga nini? Kaya kesa waiting for tonight akez, naglaro na lang ako ng sepak takraw, chararat bumba!
Kaya ang BM -- next level na! may nickname na! -- eh todo freedom sa paghahanap ng kukuyangyang noong Saburdey. At dahil likas akong malandi, nakilala ko si RJ, nickamed Ding. Willing akong magpaka-Darna ning, mapasaakin lang sha. Eto ang kwento:
Wichiririt akong nahilig sa gulaman. Wichikels ko naman kasi alam haw-haw-de-karabaw nila itech tinimpla davah? Whereness nagmula ang water supply? Kumanta ba ng hapi burtdey habang naghuhugas ng kamay using safeguard yung naghiwa ng gulaman? Ang balde nini, hinugasan ba ng joy antibac? Ching!
Eh kasi, ditey sa iskwater eh nakikita kez panu nila itimpla ang kanilang mga sago't gulaman. Nasa labas ng bahay ang labahan, dun na rin nila tinatapat ang balde sa gripo, hahaluan ng pampalasa, and hahaluin ng konti. Presto! Gulaman na! Refreshing with two scoops of amoeba...
Pati yung stir-fried noodles wit ko rin bet. Kasi nagtataka akez sa lasa, nahihilo ang mga taste buds kez. Noodelicious na me toge, piniprito, shopos mega halo ka ng sauce na kung anik anik ang namesung. Kaya si taste bud, di malaman kung matamis ba, maanghang, maasim, lasang sunog pa minsan.
Pero wag ka, nung Saburdey, nakalimang baso ng gulaman ako.At nakadalawang order akez ng stir-fried noodles with matching teriyaki toppings. Baket? Kasi ang gwafu ng tindero! Ang sarap pala ng gulaman! Heavenly pala ang taste ng stir-fried noodles!
Sakto, pre-registration namin sa school nung Tuesday. Para wag maubusan ng subject eh nauna akez. Me eksena pa ko sa dept. head na talagang ikina-tumbling ko. At sa sama ng loob ko eh tumambay talaga ako sa pwesto nya. At nagkayayaan na nga, after ng shift nya ng 4pm eh magkikita kami at magku-kuyangyangan.
At first eh hesitant sha, kasi malayo. Abad Santos pa nakatira ang lolo mo, sa Cubao pa ko nakatira. Tapos eh iskwater pa pupuntahan namin. Kaya hinaklit ko na rin si friendship para me kasama sha. So there, inuman na sa bahay na pink. Ay feel ko, magiging more than inuman itu.. Malamang eh maghabulang gahasa kami. Hahabulin nya ko, tapos matatapilok ako, unti unting aatras hanggang sa makorner nya ko... Dahan dahan shang lalapit, at.... Well if that happens, I promise not to shout! Di talaga ko sisigaw! Uungol lang siguro ng impit, hihihi!
Tipikal na inuman ang naganap. Me pulutan sha, manok. Me pulutan ako, SIYA. Shempre kwentuhan, mga buhay buhay, ilang kapatid, past relationships, sexual experiences, work hangups, the usual. Natatawa ako sa lolo mo, kasi ang dami nyang bloopers.
Nanonood kami nun ng Troy ni Papa Brad Pitt. Pag nagkukwentuhan kami, ang showag nya ke Brad Pitt eh "Troy" as in:
"Di ba pinsan ni Troy yung magkukunwari na sha, kaya mamamatay?"
"Ang galing din ni Troy dun sa Mr. & Mrs. Jones, yung kasama si Angelina Joey."
"Bakit ba namatay jan si Troy? Pinana sha ni Hercules?"
Yesterday, today and beyond! Naloloka ako kasi kahit i-correct ko sha eh ganun pa rin. Deadma-laysia ang lolo mo. Kaya sinakyan ko na. Maya-maya eh Troy na rin tawag ko ke Achilles.
Marami pa shang baon.
Me peklat shang 15 stitches sa palad, kasi nasabit sha sa budwire. Yung uncle nya sa NBI eh muntik nang mabaril, buti na lang nakasuot ng bulltroop kaya hindi tinamaan. Winner diba?
Pero pag npatitig ka sa mukha nya, eh to hell with his bloopers na! Mapapakanta ka na lang ng "I dont wanna be a brokenhearted girl" ni ateng Beyonce.
Sa gitna ng kwentuhan tungkol kay Troy, sa tito nyang me bulltroop, at sa nasabitan nyang budwire, natulala ako at napatitig sa lips nya. Unti-unting naglapit ang mga ulo namin, nag-uusap ang mga mata, nakakiling ang ulo, umangat ang mga kamay at humawak ako sa batok nya, sya naman sa leeg ko... 5 inches away... 3 inches... 2 inches... 1 tiny inch...
Biglang sumuka ang peste nyang friendship. Habang nakaupo. Sa sariling t-shirt. At sa sofa. At sa sahig. Eeeewww. Hinila namin si friendship sa banyo at dun hinayaang nakayakap kay Mang Doro. Tumuloy kami sa kwarto at naupo sa kama.
No preamble. Basta naramdaman ko na lang, magkadikit na ang mga labi namin, nalasahan ko ang labi nya, lasang redhorse, toblerone at beermate. Nagkapalit-palit na yung mga pulutan, and deliberately eh pinasa nya sa kin yung nginuya nyang mani. Tsaka yung toblerone. Sa mga oras na yun, dumadagundong talaga ang dibdib ko. Tumatayo ang mga balahibo ko, napapikit ako ng tuluyan, and gave in. Wala na kong alam sa nangyayari sa paligid. Basta ang alam ko lang, ang labi ko eh para lang sa labi nya.
Nope, walang kembutan na nangyari. Pero I found our intimacy sweeter than actually making love. Ewan ko ba, parang kahit maghalikan lang kami ng isang buong taon, di ako magugutom.
Tinuloy namin yung inuman, naka-sampung bote kami ng redhorse! At hindi ako nalasing in fairness. While drinking, naghubad sha ng shirt. Mainit daw kasi, so sinuot nya yung sando ko. Then sinuot nya sa kin yung pink t-shirt nya. We continued drinking, talking, kissing, at sa inis nya ke friendship eh mega inisprayan nya ng Glade Air Freshener sa buong katawan at mukha. Nung time na para umuwi, yung green shirt ko na ang sinuot nya, and iniwan nya ang pink t-shirt nya sa kin.
I can't tell yet kung SHA na nga ba. Ang lalaking para sa baklang maton. Sobrang gwapo nya kasi nakaka-insecure. Di ko naman masabi na pera ko lang ang habol nya, kasi wala naman akong pera. Kung ganda at katawan ko naman, hay naku di ko to aaminin kahit kanino, pero sa pagkakataong toh, parang ayoko naman maging ambisyosa. Kung good company ang habol nya, baka yun pwede pa. Kaya nalilito ang baklang maton.
Pero I guess, it's too soon na mag-inarte sa isa na namang "could-be guy"... Siguro sisiguraduhin ko na kung sakali mang maging kami, hindi pera, or sex, or yung pagpapalitan ng laway ang maging pundasyon ng relasyon namin. Siguro this time, I'll play it by ear. Sisiguraduhin kong makikilala nya ang tunay na "essence" ng Baklang Maton, bago ko sha sagutin.
At habang suot ko ngayon ang pink t-shirt nya, napaisip ako.
Kung mahal ko na ba sha? To quote Papa Piolo: "I'm getting there."
At sana, wag nyang sagutin to someday ng "I never got there."
Paumanhin:
Sa mga nakabasa na nitech dati, erase erase muna ang pix ng kuya budwire ha... me eksena.. I'll keep you posted..
10.19.2009
Arigato! Hai!
Cutie ang lolo mo, mejo big eyes sha kahit dapat eh singkit. Big eyes na singkit sa dulo. Mashungkad ever lolo mo, suki ng growers at darak. Tsaka siguro cherifer kasi tangkad-sagad ang lolo mo. Bata pa nga lang itu, mga 8 yrs old, charing! Basta pasok pa sha sa quota ng age bracket na allowed sa mga badeth. Alam nyo ba ang age bracket?!
Plus/minus nine. Hanggang jan lang dapat. Pag lagpas na ng nine years, ate matrona ka na. Kundi man matrona eh D.O.M. na yang pinatulan mo kung lagpas nine years ang tanda nya sayo. Kung bakit nine lang, bakit di pa dagdagan? Malay ko. Basta UP prof ang nagsabi sa kin nyan. Kung anu mangd emographics cheverlou mae na reason bakit, wichiririt ng maya! Wit ko alam.
Anyhoo, Si Ryu eh never ko pang nakembot. The simple reason: ayaw nya. Di daw sha katulad ng iba. Di daw sha asal iskwater, kahit tagarito sha. Asal village sha, churi ka. Ako naman eh tipikal na baklang pilipina. Nagmamaganda. "Ayaw mo, wag mo," isplukara ko. "Plentitious ng boylets buffet jan kuya." sabay hawi ng bangs. Di ba Marvin? Ahihihihi...
Pero shempers, ang baklushi eh tipikal na baklushi talaga. Pag nagkakasalubong kami eh mega yaya pa rin ako, pinapakita ko yung legs ko para maakit si kuya. Di naman naaakit, sabihin ba naman na maliligaw raw ang langgam sa binti ko kasi balahibo galore daw akiz. Leche! Manlait ba ng balbon!
Basta tuwing yayayain ko sha na pumasok sa makasaysayang bahay na pinkaloo, eh ayaw nya sumama. Kasi nga, iba sha.
"Babagsak ka rin sa mga palad ko." Sumigaw ako sa langit ng nakadipa habang mag pagkulog at pagkidlat na nagaganap. Sabay tawa ng pang kontrabida.
Makalipas ang ilang buwan, dumating na ang itinakdang panahon. Bwahahahaha! Akin ang huling palakpak. Dahil may pakpak ang balita, me tenga ang daga. Hanudaw?!
"Kuya BM, birhin mo naman tong sirver ko. Kairangan ko kasi ng darawang daan. Uuwi ako sa Antiporo." Swear ganyan talaga mag-speech chenelar si Ryu.
Tiningnan ko sha ng masama. Ano ko? Cebuana? Mlhuiller? Tambunting?! "Ayoko ng bracelet."
"Anong gusto mo? Maganda naman tohng braceret ko. Sige na, isuot mo muna. Tsaka di toh sangra, bibirhin mo taraga." Marapit na kong mahiro sa kanya. Ispruk ng ispruk, wara namang retter L.
This time, ako naman ang tumanggi. Ayoko ng braceret. Gusto ko yung pendant nya. Sa pagitan ng hita. Habang papalayo ako, kumakanta ako ng "ibon mang may layang lumipad, kulungin mo at umiiyak...." sabay gesture ng kamay na parang lumilipad-lipad.
Habang naglalakad ako, nakita ko shang unti-unting humahakbang pasunod sa akin. At maya-maya pa, nakapasok na sha sa bahay na pink.
At dun ay nag-chinchin taberu ako ng bonggang bongga.
10.17.2009
Nameless "Could-Be" Guy
Noong jisang araw eh nasa em-ar-ti akez. Masikip. Mainit. Amoy masipag. Mga pipol ar pipol na masipag. Susko, mabango pa ang pawis ng camel na puyat sa pawis ng mga toh. Buti na lang si Kuya sa side ketch mabango ever mae. Amoy Johnson and Johnson Baby Powderific.
Maya-maya, kinabahan akengkay. Mega waiting for tonayt na lang ang badesa sa magic word na "Huldap toh, puri o pera?" Kasi me nakatutok na matigas na sandata sa tagiliran ko.
Apunte! Fuego!
Ning, butas na ata bewang ko sa tulis ni kuya. Firing squad itu.
Tinitigan ko sha pero ded na si lolo ata peborit indie film ni Kuya. Feelingera ko tuloy eh wichiririt naman ata kembot ang nakatutok. Baka malisyosa lang akez. Eh kaso mo, maya-maya uli eh me pagkiskis nang nagaganap. Kiskis na ate! Dildil galore...
Akalain mo yun?! Ako, si baklang maton, babastusin ng ganun?! Charot. Feel na feel ko kaya. Diniinan ko pa ng bonggang bongga.
Ang kaso mo si Kuya bumubulong-bulong na rin ng mga careless whisper tapos hinihipan nya yung tenga kez. Parang latin pa nga yung iniisplukara eh. Ay mambabarang itu?! Tinanong ko sha, with matching taas ng brown na kilay "¿QuĂ© dijo? No comprendo." Shala..... Latina si bakla. Paduduguin ko ilong neto. Maglalatik ka, latina ako.
"Sabi ko bango ng leeg mo," sabay singhot uli si Kuya. Aba, indecent proposal na toh! Sa gulat ko, napa-weeeeh ako ala-Eugene Domingo. Natawa si Kuya. Kasi naman, nasa Scorpio Nights 3 na kami eh, nauwi pa sa Kimmy Dora.
Eh Cubao na, bababa na ko. So niyaya ko sha. Sabi ko, "Dun muna tayo sa gilid. Palitan tayo ng number." Tsaka laway. Please..... with matching pungay ng mata at basa ng labi. Wa epek!
Biglang na-orkot ang lolo mesh. Okatokat talaga yung expression. Patay, bumalik na ung bangis ng mata ko, akala na naman akeiwa yung holdaper. Aba si pinto pasara na. Beep! Beep! Ayan na yung tunog ultraman ace!
Alangan namang bumaba ako! Matapos nyang makuha ang lahat lahat sa akin?! Ay mali. Di pa kaya nya nakukuha ang lahat lahat sa akin. Kaya stay with me ako sa MRT. What is ten pesos if you're going after your another "could-be destiny".
"Ano name mo?"
"Wala."
Me ganun ba? Wala naman... Hmmmm...
"Ako si BM."
"---------" Silence, pero nakangiti.
"Number mo?" binigay naman nya. Taray, wiririt ang name pero havsung ng cellphone?! Para sure, dinayal ko habang kaharap ko sha. "Sigurista lang." Defensive si baklushi.
"Pag kasing bango mo, dapat talaga sigurista. Mahirap na."
Ay si Kuya nagpapaulan talaga ng gayuma. Sinasalo ko naman lahat. Di man lang ako nagpayong. Aba, pag ikaw pinuri ng gentong level, akuin mo na talaga. Wit mo ng ipapamigay sa iba, minsan lang me mambola teh. Sunggab agad!
"Kung mabango ako, matulis ka naman." sabay dakma...... sa payong. Umuulan kasi. Di ko na kelangang dakmain yung matulis, hanggang ngayon eh nakatutok pa rin sa tadyang ko ang ligaya't aliw nya.
Mula ng maghiwalay kami, hanggang kaninang tumatae ako, eh magkatext kami. Unli call and text dapat. Wicheles ko alam kung mabango ba talaga ako nung time na yun. Wiririt ko rin alam kung halata na ba ang lubak ko sa tadyang. At wichichirit ko rin lalo alam kung "wala" ba talaga namesung nya. Basta hanggang ngayon eh "Wa-i" ang name nya sa nyelpown ko.
Eto ang alam ko: magkikita kami mamaya. Update kita.
10.14.2009
Ang Alamat ng Bangs
Siya ang pinaka-magaling na Hari ng Dorincourt, mula pa sa sa lahi ng mga Tadoy, mula pa noong Tadoy Dynasty, 1654 AD. Ang kanyang mga ninuno ang nagpalaganap ng National Anthem sa Dorincourt: Nagmahal ako ng Bakla.
"Mga tambay lang kami, sawa sa babae. Mga babaeng manloloko, pineperahan lang kami. Kaya ngayon bakla na lang ang aming iibigin. Masarap magmahal ang bakla, o kay sarap damhin!"
Si Lord Cedrick ay may obsession sa kanyang buhok. Araw araw ay iba-ibang ini-sport nyang hairdo.
Kapag Lunes ay french braid with matching tendrils sa gilid ng mukha, to frame his beautiful face. Pag Martes ay naka-shoulder lenght lang sha na naka-fly away ang gilid -- always ready sa pictorials na may "hinangin sa labas" look. Pag Miyerkules ay naka-tease sa harap at layered ang gupit. Pag Huwebes ay punk look naman sha, naka-mohawk at may malaking hikaw na bungo sa ilong.
Pag Biyernes eh kempee naman ang hairstyle nya, me hati sa gitna at mega enhance sha sa look na ito, undercut at me ahit na spiderweb sa ilalim. Pag Saburdey eh Sasha Fierce look ang lolo mo, oh kaya eh Superman look, complete with the "comma" na naka-gel at nakadikit sa noo using the main produce ng Dorincourt -- laway ng baka. At pag Sunday eh unruly naman ang long hair nya, nilagyan ng extension at gulo gulo, para rockstar ang arrive. Punks not dead!
Kakaiba itong si Lord Cedrick. Sa pamumuno nya eh madalas shang makipag-usap sa best friend nya... ang sarili nya. Bumubulong-bulong sha ng mga orasyon, o kaya eh parang may kinukulam. Umiiling iling pa! Minsan yata eh nag-aaway silang dalawa ng sarili nya, kasi nagtatalo sila at nauuwi pa yun minsan sa pagsisigawan.
Pero kahit ganun, mahal si Haring Cedrick ng Dorincourt at ng mga mamamayan nito. Lagi shang nagdadala ng mga male models mula sa Kaharian ng Adonis at pinasasaya ang nag-iisang baklang maton sa Dorincourt. Namumudmod din sha ng mga posters at print ads for details ng mga White Castle Girls para sa mga me attitude na lulurki ng palasyo. Me supply din ng alak para sa nag-iisang lasengga ng kaharian. Pati mga chupa chups at kropek libre din para sa lahat.
Kumpleto ang amenities ng kaharian. May rec area para sa mga mahilig maglaro ng tatsing at pog. Me chowking franchise para sa mga mahilig sa chao fan at dimsum. Pinauso nya rin ang mga cartoons na full ang lips. Ginawa pa nga nyang manager.
Isang araw ay naglabas ng Royal Tru Orange Decree 1044 si Haring Cedrick:
Thou shall not buy a PSP.
Thou shall buy a PS2.
Nagkaroon ng malawakang protesta na dinaluhan ng lahat ng sektor ng Dorincourt. Lahat ng tao at aso ay lumabas ng bahay at nagmartsa sa kalye bilang pag-aaklas. Humingi sila ng tulong sa kalapit na kaharian ng Iskwater.
Maging ang mga kababata ni Lord Cedrick na sina Sarah ang munting bratinella, si Nelo at Patrasche, mga tagabenta ng gatas galing sa dodo ng cow, sina Jolikor at Dougal, the royal pets, si Doerimon at Nobita naki-rally din, si Mojacko tumigil muna sa pagsigaw ng "moja-moja! modta-modta!"
He doesn't have a no choice. Dahil sa kaguluhang naganap, napilitang magparaya ang hari. At noon ngang hapon ng Oktubre, bumili sha ng PSP. Muling nanumbalik ang sigla sa kaharian. Natigil ang kaguluhan at nagbalik ang kapayapaan.
Ngunit ang hari ay na-depressed. Unti-unting dinapuan ng malubhang sakit na di maipaliwanag ng mga doktor sa intellicare. Bigla bigla shang bumabagsak sa upuan at nakakatulog sa gitna ng pagte-treadmill. Hindi na nya nagagamit ang kapangyarihan nyang taglay -- mapalambot ang puso ng mga masasamang tao. And worse, di na sha nakakapag-ayos ng buhok. Humaba na ito nang humaba at iniipit na lang nya sa tenga.
Ilang paham at pantas at manggagamot ang ipinatawag. Pinakantahan sha sa Ibong Adarna. Pinainom ng viagra. Pinainom ng sleeping pills. Wa epek. Loss. Ayaw pa rin gumaling ng hari.
Isang araw ay may dumating na mahiwagang matanda. Nagniningning ang kanyang mga mata, at kumikislap ang kanyang hawak na gunting. "Hey you, I will be teking ker op yor prablem. I wil meyk yor layp beri gud. I will kat yer heyr." sabi ni Manay Ricky.
Ginupitan ang Haring Cedrick ng isang kakaibang gupit. Parang bunot sa gilid at likod, subalit may buhok na pantay na tumatakip sa noo. Biglang lumakas ang hari. Sa di maipaliwanag na dahilan ay nanumbalik ang kanyang kalusugan at nagdiwang ang lahat ng mamamayan ng Dorincourt.
Hindi nila malaman kung anong itatawag sa hairstyle na ito. Lahat ng mamamayan ay nagpagupit din ng ganitong gupit. Pero wala pa ring makapagsabi kung anong ipapangalan nila sa cut na ito.
Sa unang araw ng pagharap ni Haring Cedrick sa kanyang nasasakupan, isang entablado ang na-erect para sa talumpati. Habang inaawit nila ang National Anthem ng Dorincourt, ay biglang umalingawngaw ang isang putok.
Bang! Bang! Bang!
Binaril si Lord Cedrick! May tama sha ng bala sa dibdib at ilang sandali pa ay binawian na sha ng buhay. Naiwan ang lahat ng mamamayan na tulala at walang imik. Ume-echo pa sa pandinig nila ang karirinig lang na tunog. Bang! Bang! Bang!
Nagluksa ang buong Dorincourt. Ang tanging nasabi ng lahat ay "bang! bang! bang!" dahil na-trauma ang lahat. Ang mga karatig na kaharian ay nakiramay at nakipaglibing. Subalit sila'y nagtataka sa sinasabi ng mga tao. Inakala nila na "bang! bang! bang!" ang tawag sa iisang hairdo ng buong kaharian.
Mula nga noon, nauso ang hairstyle na may "bang-bang-bang". Sa tulong ng rules sa grammar pag plural, tinawag na itong "bangs" bilang pag-alala sa isang dakilang lahi. At sa isang dakilang lider. Si Lord Cedrick ng Dorincourt.
10.08.2009
Sh!t Happens (Edited Verzion)
Bat pa puro jerbaks ang bukambibig ko ngayonchi? Kasi kanina eh napagnilay-nilayan ketch na talagang relevant ang jerbs sa lyfsung ng tae, este tao.Para yang pag-ibig eh. Iba ibang kategorya, iba ibang texture, iba ibang kulay, iba ibang lasa (eeeewww). Heto ang listahan:
Big Blag -- ito yung anak na isang ire lang, ubos na agad lahat ng paghihirap mo. At sa sobrang laki nya eh mararamdaman mo pa yung pagtalsik ng tubig doro sa pang-upo mo. Blag! talaga ang sound effects nito nini. At mapapahinga ka ng malalim after ng pakikibaka.
Parang whirlwind romance. Isang mitetang pa lang, this is it na agad ang drama nyo. Kasal agad ang topic, first dinner pa lang?! Yung feeling na kayo na talaga sa bandang huli, at sure ka na dahil nagkita na kayo eh eto na yung one true love at greatest love of all time mo. Di ka na kakabahan na baka kabagan ka, kasi nakita mo na sha.
Slush -- hmm, parang slush talaga itung next poopoo natin. Kasi pag-upo mo pa lang eh parang basang basa ang pinapanganak mo. Pero di ka naman nagtatae. Malapit pa lang. It's a sign from the gods na malapit ka nang magkasakit, or nasobrahan ka sa kangkong kaya puro fiber ang pinapanganak mo.
Sa love naman, pag mamasa-masa ang eksena nyo, meaning lagi kang umiiyak or ngumangawa, ate mag-vitamins ka na. Kasi me sakit na rin ang relasyon nyo. Malapit nang mauwi sa kombulsyon ito, kaya agapan habang maaga. Ang constant na pagluha sa isang relasyon ay sign na may problema kayo.
Islaw Palitaw -- naranasan mo na toh I'm sure. Yung buhos ka na ng buhos eh lumilitaw pa rin uli si Kaka. Parang palitaw lang, lulubog ng konti sa ilalim, tapos bago ka makaalis eh andun na uli. Parang nang-aasar lang. Ayaw magpa-flush.
Isang makulit na manliligaw? Isang masugid na tagahanga? Isang stalker? Maganda ka ba? Kung feeling mo eh mejo maganda ka, baka nga meron ka neto. Yung kahit anong gawin mong taboy eh litaw pa rin ng litaw si Kuya. Aba nena, wag mashado itaboy. Sige ka baka sa sobrang pagka-choosy mo, ikaw yung i-flush ni Kuya sa inodoro.
Pooplets -- ala-kambing na poopoo. Kainis kaya umire ng ganito. Yung effort ka ng effort, tapos pag napasilip ka eh parang maltsers lang yung pinanganak mo. At feeling mo eh marami pang naiwan sa sinapupunan mo, di mo lang mailabas lahat. Nagmamaganda si tae.
Ito naman ay comparable sa isang lihim na pagsinta sa isang kaibigan. Lalo na pag bestfriends kayo. Ate, paunti-unti mega show ka ng iyong feelings. So I hid inside, till I almost die ang theme song mo forever. Lalo na kung pareho kayong lalaki! AY kung ako sayo, dakmain mo na gurl. Pag nagalit, sabihin mo nananaginip ka lang, kala mo dyoga yung dinadakma mo. Pag yung dinakma mo yung nagalit, eh di gora na. Tapos dapat pag-usapan nyo agad para walang ilang effect afterwards. Magtoka na kayo kung sino naman ang dadakma next time.
Normal Delivery -- eto ang pinaka-peaceful sa lahat ng jerbs. In short boring. Wala lang, Umupo, umire, naghugas, nagkandirit, umalis. Eto eh me normal na bowel movement. Siguro yung a-e-i-o-u nya sa tyan eh ok na ok. Sagana sa yakult si bakla. O kaya eh namimili ng Lactobacilli Shirota Strain si beki sa Quiapo.
Pwede to sa mga taong me normal na kembot. Pwedeng single sha at keri lang, kuntento sha sa pagfi-finger (choz!) Pwede ring me constant fubu sha na lagi nyang nahihingan ng supply ng bitaminang pampalinaw ng mata. Basta normal lang ang buhay nya.
Long Labor -- susko day! Forty-five minutes mo nang ka-chat si Mang Doro eh wit pa rin sha dinedeliver. Ilang pocketbook na eh ayaw pa rin magsimula ng chapter one ng poopoo mo. At ire ka ng ire, pero wai lumalabas, pero masakit naman tyanenat mo. Ning, baka naman gutom ka, or baka naman super pokpokita ka, kaya minsan feeling mo lagi manganganak ka, yun pala eh na-miss mo lang yung plug na kembot ni kuya sa kipay mo.
Eto naman ay para sa mga single na atat. Yung anshugal shugal na eh wala pa ring bowa. Yung antanda tanda na eh wit pa rin nakakatikim ng kembang. Yung mga thunders na teenager pa yung last time. At yung mga matrony na tigang at uhaw sa pagmamahal. Pede rin dito yung matagal na crush si Kuya pero di makaporma kasi baka jombagin sha bigla. Kaya waiting for you na lang ang drama nya.
Nasa attitude lang yan -- pwedeng nasa paraan ng pag-upo, pwedeng it's a habit na manganak pag ganitong specific time ng umaga, pwedeng tumityempo lang pag malapit na lumabas, pwedeng sabay sa paliligo. basta nasa attitude lang yan. Kung di ka primadonna, di rin primadonna ang jerbaks mo.
Shempre sa lovelife, ganun din. Kung single ka, eh di maghintay -- o kaya eh lumandi ka para magkabowa. Kung me bowa ka na, eh di alagaan mo, dapat constant ang dilig para di mamatay. Kung kaka-break pa lang, eh mahalin ang sarili para sa susunod eh handa ka na. At kung malandi ka at sabay-sabay ang bowa at kembang mo, aba eh gudlak. Tandaan, nasa attitude lang yan.
Time Bomb -- eto delikado. Lalo na pag wrong place at a wrong time ang eksena mo. Kung nasa meeting ka, o kaya eh nasa mrt, tapos bigla pang nasira ang tren. O kaya eh me delubyong nagaganap, at mas malala na kung sa gitna ng kembangan eh bigla kang mapautot at alam mong poopoo na ang kasunod, bekz, tumakbo ka na sa banyo at kumanta ng "please release me let me go".
Sa relasyon, me mga gentong eksena eh. Yung alam mong anytym eh mag-aaway kayo or mag-kakabadtripan kayo. Kung ako sayo, harapin mo na habang maaga. Para wag kang mahirapan sa gitna ng kasarapan. Haggard naman kung bigla shang sumabog sa gitna ng Luneta di ba? Ayusin ang gusot, para ang kembot, makalusot.
Warning Signs -- utot pa lang, tae na. Aba pag ganito ang leveling ng utot mo, malapit ka nang manganak vaklushi, i-admit mo na ang sarili mo sa banyo. Me intellicare at maxicare ka naman eh! Kesa hintayin mo pang maranasan ang utot na "wet and wild". Akala mo wala, pero meron! Meron! Meron!
Katulad din sa magbobowa. Pag si kuya eh madalas isangla ang ref mo, microwave, washing machine, tangke ng gas at nipper mo, di mo na-misplace yun teh. Binenta na ni kuya yun. Baka ang boyfriend mo eh me boyfriend nang iba. Mag-ingat ka. Uso yan ngayon, alam mo yan.
Appear-disappear-one half-one fourth -- Parang wala lang. Naramdaman mo na me pinanganak ka nung oras na yun, pero pagsilip mo sa ilalim, wala na. San sha nagpunta? Malay ko. Tae mo yun eh. Ikaw maghanap.
Ganun din sa bowa, or sa prospect bowa. Yung iba, pagkatapos kumembot eh nawawala na. Aba madalas kong maranasan toh ha. Katawan ko lang talaga ang habol nila. Mga hayup sila. Binaboy nila ako. Charot! O kaya naman eh mga "anonymous commenter" na mega yaya ng date tapos eh disappear na sila matapos kang kiligin at umasang mapipitas ka na rin, charot! Me ganun?! Aba keri lang na mawala sha after ng bembang, pero sana wag din mawala mga petals ko di ba?
A Long and Winding Road -- eto naman yung mahabang proseso ng pag-ire. At ramdam na ramdam mo yung paglabas ng isang sawa sa bahay-tae mo. Tipong ayaw mong putulin kasi feeling mo eh bitin pag naputol. Kaya effort ka talaga, wit kang hihinga para buong buo mo shang mailuwal. And then saka ka pa lang makakahinga ng maluwag, may ngiti sa labi - iyo ang tagumpay.
Katumbas naman ito ng isang long courtship. Anumpetcha na nagpapakipot pa rin. O kaya eh 48 years na iniingat-ingatan mo pa rin ang petals mo. Aba ipapitas mo na yan! O kaya eh ipitin mo sa dictionary para potpouri. Ang ligawan na ito eh mejo nakakainip, makapigil hininga at kapana-panabik. Pero pag nakamit mo namn, sulit. Finger licking good, pwamis.
Rock On! -- ay nini, eto yung tinatawag na tubol, o tibi. Haggard sa pag-ire, at paglabas eh mapapasigaw ka ng "it's a boy!" Parang napunit sa dalawa ang pwerta mo, pero sulit kasi ang gaan gaan ng feeling mo after, at sunod na uli sa galaw ang hair mo.
Siguro eto naman yung gus2ng gus2 mo ng kumawala sa isang kembutan, pero ayaw pa nya ipahugot. Gus2 mo na matulog pero gus2 pa nya tumambling. O kaya eh gus2 mo na makipag-break pero gus2 pa nya mag-jackstone. Aba tapatin mo na kasi. Wag nang mahiya, para masabi mo na rin: I survived.
Encore -- ah eto me sakit ka na talaga. Kakahugas mo pa lang, nasa pigi pa lang ang undies mo, ibababa mo na uli kasi nararamdaman mo na ang second coming. At mas malaki pa sha kesa sa nauna. Kasi naman pag me gento wag na umalis sa banyo. Mag-camping ka muna dun, baon ka pork and beans tsaka noodles. Tsaka gas mask kasi sigurado mamamatay ka, not sa bacteria.. sa amoy ka maka-cardiac arrest.
Tanga. Yun naman ang tawag sa relasyong ganito. Alam nang me diarhea, di pa uminom ng bactidol o kaya eh zonrox. Aba ate matuto ka naman sa katangahan mo. Yung isang beses, ok lang. Yung pangalawa, mejo kainis na. Aba kung 16 na ang naging bowa mo at lahat eh ginago ka, ning iuntog mo na sa pader yang ulo mo tutal wala namang laman.
Tired and Weary -- Itu naman eh inde yung itsura ng pinanganak mo, kundi yung feeling after mong makipagbuno kay Ginoong Ino-D. Pagod na pagod, drained of energy at parang ninakawan ka ng lakas. Para bang itinae mo na ang tae ng buong barangay.
Kadalasan, nangyayari naman ito pag nasagad na at napuno na ang salop. Eh di kalusin mo na. Ilabas mo na lahat ng sama ng loob mo, pag super duper pagod ka na, aba... Let go.
And lastly:
Siksik, liglig at umaapaw -- ang tagal mo nang nakaupo, meron pa rin. At iba na ang tunog ng pagbagsak. Parang di na sa tubig. Pag ganito, aba eh buhusan mo na.
Kung sa bowa at kembot naman, masarap yan sa una kasi super nagmamahalan at nagtitikiman kayo. Pero pag sumobra na, aba eh distancia amigo ka muna. Pasyal pasyal mga miron. Para makadiskarte ka ng mahusay. Pag klaro na, gora na uli. Para makarami hehehe.
Eh ano nga ba ang kaibahan ng tae sa pag-ibig? Siguro isa lang. Ang tae kailangan ilabas para makabuti sa katawan. Ang pag-ibig, dapat ipaglaban.
Dalawa ang Soulmate Ko
First job ko sa AIG, telemarketer. Nung unang araw namen, me isa akong ka-batch, pagpasok sa ofis naka-tiger look na palda at blouse. At ang arrive para ring tiger. Malaki ang bibig, maliit, butangera, teenage mom, palatawa, mukhang tanga.
Parang ako. Kaya nag-click kami.
Sa ilang buwan na magkasama kami, super naging close talaga kami. Pag magkasama kami, walang dull moment. Pwede kaming magtayo ng comedy bar, kaso baka kaming dalawa lang ang matawa kaya wag na lang.
Minsan pag me nagtanong sa min, ginagago namin. Pero di kami nag-uusap ha. Automatic nagegets namin ang isa't isa. Pag me nagsasalita, ginagaya pero ibat ibang emosyon. Nagulat? Nagulat! Nagulat. Nagulat!!!!
Kahit magkalayo kami ng istasyon, nagkakaintindihan pa rin kami. At kahit nasa iisang lugar lang kami, nagtatawagan pa kami sa phone, at isang oras na mag-uusap during office hours.
Nung dumalaw ako sa haus nila, hinanap ko yung anak nya. Nasa binguhan daw, after magtongits. Kumusta naman eh 8months pa lang yung bata. Nung finally eh umuwi mula sa binguhan, sabi ba naman "anak oh, mga kaibigan ko. murahin mo nga. sabihin mo, pakyu po kayo!" nawindang na lang ako. Buti naman hindi ako pinakyu nung bata.
Pag nagde-date sila ng asawa nya kasama yung nanay at baby nila, shempre akbay akbay ang drama nila. Tapos bigla nyang itutulak yung asawa nya sabay sabing "shit nanay mo!" o kaya naman, "ang cute nung baby oh" sabay turo sa anak nila.
Pag sa ofis, natutulog yan sa ilalim ng desk. As in sa ilalim. Hihiga sha sa dalawang upuan,at ipapasok ang sarili sa ilalim. Kala mo upuan lang,pag hinila mo andun sha humihilik.
Soulmates talaga kami,kasi kahit di ko kabisado birthday nya,pareho kami sa lahat,even sa binabasang tagalog pocketbook. Iisa lang ang favorite author namin. At iisa din lang ang paraan kung pano namin isulat ang buhay namin.
Then there's Kong.
Actually his name is Ronald. Trainee ko sha dun sa dati kong work. Nagkasama kami ng ilang buwan din, at nagkataon na magkalapit ang mga bahay namin kaya madalas kami magkita -- ng di sinasadya.
Nagkakasabay kami sa lrt pagpasok. Nagkakasabay rin kami sa uwian, pero di kami nag-uusap. Nagkikita lang kami lagi. Kahit magkaiba ang sked, nagkakasalubong naman kami sa cubao, or sa Anonas, or sa MRT,o kung saan man. Minsan naman nadadaanan nya ko sa kanto namin na mukhang tambay na bakla.
Sya din yung nakasama ko sa unang rambol na naatendan ko. Yup, you read it right. Naparambol na ko. Gento kasi yun.
Broken hearted ako. Broken hearted si Kong. We decided na uminom sa likod ng Sto. Domingo. We met up with his college buddies na puro straight just like him. Bale apat kami.
Sa kabilang table eh me cute guy na laging umiihi na parang nagpapapansin. Bakla lang, pinansin ko naman sha ng tingin. Tingin, titig, tingin pa uli. Nung sarado na ang bar at kami na lang ang naiwan, lumapit ang grupo nya at naghamon. Masama raw kasi akong makatingin. Parang gus2 ko man-trip. Parang nakakalalaki. Parang gus2 bumoda. But no, hindi nya na-realize na badesa ako. Akala nya eh gus2 ko lang talaga ng away. Akalain mo yon?!
Nagkabatukan, hanggang sa umabot na yun sa suntukan. Di ko na alam kung tatakbo ba ko, kung aawat, kung titili ng bonggang bongga, kung yayakap ke cute guy, kung yayakap ke Kong, kung magtatago sa ilalim ng lamesa o sa cr, o kung magchi-cheer with matching lifting and flying na naka-tights and pompoms. Ang ginawa ko? Wala sa nabanggit. Nakisuntok ako. Syeeeeeet...
Ang ending namin, na-julie vega kami ng pulis, at dinala sa presinto. Nung andun na, ang mga talipandas na naghamon, mega maamong tukmol na ngayon at mega sorry kasi lasheng lhang daw shela *hik*... Tapos sila pa yung mga mukhang nabugbog, puro pasa at dugo sa mukha. Di man lang ako nakakurot sa singit o nakahampas gamit ang bag kong mamahalin. Umuwi kami ni Kong na masakit ang mga kamao. Brokenhearted pa rin.
Pati yung bday party ko na naka-gown at tiara ako eh aksidente pa rin ang pagdalo nya. Dumaan yung jeep nya from Antipolo habang hinahatid ko ang mga bisita. Nakita nya. bumaba, at nakikain na sa bahay.
Hanggang ngayon eh nagkakasalubong pa rin kami ni Kong. Pero never pa ata kami nagkita ng me usapan. Makapunta nga ng Mot-mot baka magkita din kami dun, at mauwi na ang pagiging mag-soulmate namin sa pagiging mag bedmate. Hihihi!
Dalawa ang soulmates ko. Sana mahanap ko na yung pangatlo.
Kadenang Bulaklak
Si Inang ay isang nilalang ng liwanag. Siya'y nakatakdang magluwal sa limang badesa na paghihiwalayin ng tadhana ngunit muling magkakalapit-lapit dahil sa lukso ng dugo, tawag ng damdamin, at tindi ng libog. Mapupunta sa iba't ibang ina, ngunit muling mabubuo upang pagbuklurin ang putol na tanikala... bibigkisin ang kadenang bulaklak.
Si Popsie, ang pangalawa sa panganay. Sha ang nakamana ng Kapangyarihan ng Memorya. Kaya nyang magbuhat ng bangkay ng walang effort. Pag nagtatag sila ng business, sha ang bahala sa Manpower. Para shang pinanganak na matanda. Kamay lang ang maputi, magaspang na parang sanay sa manual na trabaho. Pero matalino. Magaling shang magtanim -- ng palay man o ng galit. May lima shang mga anak, apat ang maitim, isa lang ang maputi. Ipinaglihi daw kasi sa palad. Namana nya ang "utak ni Inang". Ang nickname nya eh "mamagal" kasi lagi shang nagmamagaling.
Si Engel, ang gitnang anak. Sakto kasi sha yung pambato sa "pakyu" game. Pumipila ang lima, tapos uupo ang apat at naiiwan shang nakatayo sabay sigaw ng "pakyu!!" Pauso lang. Sha naman ang nakakuha ng Kapangyarihan ng Pagnguya. Keri nyang palugihin ang Dad's at Kamayan. Never shang iniimbitahan sa fiestahan. At kung magbi-business, dapat malayo sha sa kusina para wag mabankrupt. Sha ang hahawak sa labor. Sa lakas nyang kumain, keri nya rin ang hardwork. Sha rin ang nakamana ng "Sikmura ni Inang". Sya naman si "mamaru" kasi laging shang nagmamarunong.
Si Gwen, ang pangapat at pangalawa sa bunso. Sa kanya naman napunta ang Kapangyarihan ng Ganda. Kaso kaakibat nun ang Kapangyarihan ng Taba. Kaya effort itu para pumayat sha. Diet galore at pills to d max. So far naman eh effective. If ever, sha ang mamamahala sa "beautification" ng business. Ipinanganak shang me curlers at headband na katulad ng kay Donna Cruz, me mascarra pati kilay, me braces na rainbow colored ang goma, at boobs na cup A. Pag gus2 nyang kumembot eh lalabas lang sha ng bahay, pagbalik eh me kasama ng toda, constru, tambay, or basketbolista. Minsan naman eh nakaexpedition or dinadaan sa dollar account. Isang flip lang ng hair, pasok na sa banga si Kuya. Napunta sa kanya ang "Mukha ni Inang", kaya naman palayaw nya ang "mamagan" -- mahilig kasi magmaganda.
Si Tale, the perpetual virgin. Sha rin ang bunso sa limang tanikala. Sa kanya iniatang ang Kapangyarihan ng Pagkabirhen. As in every night, after the bembang, virgin sha uli. Complete with the dugo sa kobrekama, at kalmot sa likod ng bowa. 1st bembang nya is when she was 26 yrs old. Late bloomer ang bakla. Pero wag ka, ang bowa nya from davao lumuluwas pa dito para lang makita sha. Kung magnenegosyo ang lima eh sha ang hahawak sa Cleanliness and Sanitary. Marami kasi shang sanitary napkin, at dalisay kasi si bakla. Ikaw na ang maging virgin poreber! Ang pamana? The elusive "Hymen ni Inang" na pinahalagahan nya ng husto in fairness. Nickname nya eh "mamalin" kasi anufahngabah kundi lagi shang nagmamalinis.
Ang panganay, ang Baklang Maton. Ang reyna ng iskwater. Ang kolorum sa kolcenter. Ang Muse ng Masa. Charot! Sha naman ang nakagetlak ng Kapangyarihan ng Utak. Di dahil sha ang pinakamatalino, kundi dahil sha ata ang pinakamautak. Tuso, in short.Conniving beach in the suburbs. Kahit anong gusot, kaya nyang lumusot. Bata pa lang ay natuto nang lumaban. Nagpaampon minsan sa tindera ng sampaguita sa katipunan, bara-bara kung tumawid sa lansangan at pag binusinahan eh sumisigaw ng "pakyu ka", nagpa-katulong para makagraduate ng cosmetology, at nakitira sa bahay ni Junnel Hernando aka Sambag sa pelikulang "Magic Temple" (yung bata na pag umiiyak eh may tumutubong bulaklak -- oh diba beking beki ang powers). Pag nag-negosyo eh incharge sha sa operations. Sa kanya naipamana ang "Abilidad ni Inang" kasi dun sha magaling -- sa abilidad. Nickname naman ni bakla eh "reglabells" at "mama trony" dahil lagi shang mainit ang ulo, kala mo me regla, at dahil asal matrona sha madalas.
Pusong marunong mangusap
Sa likod ng bawat ulap
May anghel na papalakpak
Maari na muling sabitan
Ng kadenang bulaklak itong daigdig
Upang kanyang kagandaha'y magbalik"
Balang araw ay magtatagpong muli ang kanilang mga landas, at muling mabubuo ang pink na kadenang bulaklak.
Tears in Heaven
More than a week ago, may nagtanong sa kin. "When was the last time that you cried?" Sino ba namang mag-aakala na after a few days eh luluha talaga ako ng bonggang bongga?
Ang bagyong Ondoy. I'm sure knowing mo kung sino sha. Si bakla me galit ata, parang me poot bawat patak ng ulan. Yung buhos ng ulan, sha ring buhos ng unos sa buhay ko.
Habang nagsi-singing in the rain ako sa ilalim ng lrt, me nareciv akong txt. Baha na daw sa bahay. Babad na sa tubig ang mga gamit ko. Di raw nila naiakyat lahat kasi mataas na ang tubig. **Some text missing.**
Di ko inintindi kasi pauwi na rin naman ako. Sayang mga gamit ko. Nanghinayang man ako, alam ko wala na kong magagawa kaya gumora na lang ako sa bahay. Sinagasa ko na ang baha, at bumigay na rin yung sinelas kong binili. Nung nasa lrt na ko finally, nabuo na yung message sa kin.
"... Patay na si Edel, namatay sa hika."
Akala ko sa pelikula lang yun, yung manginginig ang tuhod mo at kakawala na lang ang luha mo. Mapapasandal ka sa dingding at mapapaupo ka na parang nauupos na kandila. Akala ko emote lang nila yon. Hindi pala.
Salamat sa unlicall, tumawag ako agad. Apparently, matigas pala ang ulo ng lolo mo. Gabi pa lang eh sinusumpong na, imbis na magpadala sa hospital, ang inatupag eh magdrama at mag-sorry sa magulang. Binilhan sha ng gamot, isang banig pa yun, nakuha namin sa shorts na suot nya. Kahit isang gamot di nya ininom. Nung umaga na, hinaklit lang sha ng asawa nya para bumangon at magpadala na nga. Tinurukan ng steroids, mejo umokey, kaya naglakad pa sa baha.
Then he collapsed. His body went rigid, and he lost consciousness. Pinasan sha ni neighbor at isinakay sa trike. By the time they arrived, halos wala na sha. Pinump ang baga, the people around him were crying, kung pwede lang na sila ang huminga para sa kanya ginawa na nila. At 10:45 he's gone. Simula pa lang pala yun ng mas mahabang dagok para sa mga naiwan.
Dahil sa taas ng tubig sa mga kalsada, walang madaanan ang funeral service. Alas onse na ng gabi nasa freezer pa rin sha. Kumontak na kami ng ibang punerarya para masundo sha. Finally, nakahanap and nakuha sha sa ospital. Umaga na nung nakarating sa bahay si Edel. Isang napakahabang magdamag.
Habang pinapasok ang kabaong, nagsilbing honor guards ang mga alaga nyang kalapati. Nauuna ang mga toh sa paglakad, para bang gustong ihatid ang amo. Kung sila eh eager na pumasok, kami naman ay nanghihina. Totoo na toh, anjan na sha sa harap namin.
Bumuhos ang luha. Lahat kami walang nagawa kundi lumuha. Pano nga ba magpaalam? Pano ba sisimulan ang pagtanggap? Pano mo rin ipapaliwanag sa mga anak nya na wala na ang papa nila, at di na babalik kailanman? Yung anak nya na 3 yrs old, nagtataka bakit kami umiiyak eh tulog lang naman daw papa nya.
Di ako nakapasok ng isang linggo sa office. Kasi di ko alam kung pano magsisimula uli. Kailangan maglinis ng bahay, kailangan maglaba ng putikang damit, kailangan magpatuyo ng mga basang sapatos, kailangan magtapon ng mga basura.At higit sa lahat, kailangan maglamay.
Nung Friday, kumukuha ng gamit c Eunice, the widow, and Edel was looking over her. This is according to a relative na me "one eye" kc bulag yun isang mata nya pero nakakakita sha ng mga multo. We asked her kung anong suot ni Edel and she said blue shirt at maong shorts. Exactly kung anong suot nya nung namatay. Dahil don, we believe na nasa paligid lang ang pamangkin ko, watching over us, lingering habang lamay, at nagbabantay.
Kaya I'm sure, nakita nya rin ang mga eksenang ito:
Yung paglalamay ng mga kagrupo nya sa sayaw, at inangat pa yung takip para mahalikan nila ang pisngi nya habang umiiyak.
Yung pagkakasakit ng bunsong si Desiree ng pneumonia at kinailangan pa shang lagyan ng tubo sa baga para makahinga. Di ko naririnig magsalita yung batang yun, pero that night iyak sha ng iyak sa hospital saying "Papa! Papa!"
Yung pagkakasagip ng bestfriend nya sa pagkalunod at the exact time na namamatay sha sa hospital. Taga-Marikina si Miko kaya inanod sha ng baha. Kung tama ang alala nya sa oras, 11am nung finally eh nakaligtas sha sa anod. Siguro my nephew pulled him to safety.
Yung pag-iyak ng canton boys na mga barkada nya. Sila yung namimilit kay Hika na magpunta ng hospital nung gabi pa lang. Sayang di sha nakinig.
Buong linggo nandun kaming lahat, buong pwersa na nagbantay.
Nung last lamay na, lahat kami hindi talaga natulog. Si Totong dumating kasama ang aswang pero umuwi rin agad. Naiwan si Pa at naginuman kami magdamag. Pero hati ang kalooban ko, kasi nasa bahay naman si Jonel at kainuman ko rin. Sa maliit na paraan nila, naipakita nila na hindi ako nag-iisa at maari akong sumandal sa kanila. Kaya sumandal naman ako hanggang umaga.
Sunday, araw ng libing. Habang nasa ICU si Desiree at 50-50 sa hospital, kailangan naman naming ihatid si Edel for the last time. Habang umiiyak ako, eto yung mga di ko talaga makalimutan:
Yung paghahagilap ng pera para mailibing si edel ng maayos.
Yung pagbuhos ng mahinang ambon habang naglalakad kami papunta sa simbahan.
Yung paglalakad habang katabi ko si Jonel at tahimik din shang umiiyak. my silent sanctuary.
Yung misa na hindi maintindihan ng mga taga iskwater dahil english,kaya tinagalog na ng commentator.
Yung pagwiwisik ng holy water na nahaluan ng luha.
Yung pagiyak ng lahat nang patugtugin ang Tears in Heaven sa simbahan.
Yung sabay sabay na paglapit ng canton boys upang sumilip at umiyak. Maging sila ay nagwisik din ng holy water.
Yung pagparada ng sangkaterbang motor na single at tricycle bilang pakikiramay.
Yung pagangkas ko kay Totong habang takbong magsyota lang kami, at nakayakap ako sa likod nya habang umiiyak.
Yung paguusap namin ni Totong na gusto ko cremate at gawin nyang kape para di na kami maghiwalay.
Yung pagkakarera ng karo dahil me hinahabol na ibang libing. At yung biglang pagbagal na nakakainis kc parang nananadya.
Yung obvious na paglayo ng canton boys habang nililibing habang patuloy na nagpupunas ng mga luha.
Yung biglang pagkawala ng patungan kaya binuhat sha ng barkada nya kahit sabihin na namin na ibaba na sha. Para bang naglalambing na buhatin for the last time.
Yung di pagpasok ng maigi ng coffin sa butas,parang ayaw pa nya umalis.
Yung takot na naramdaman ko knowing na magisa na lang sha dun forever. pano kung claustrophobic sha?
Yung pagputol ng rosaryo at pagbasag ng palayok.
Yung pagtatapon ng mga ribbon.
Yung paglalagay sa coffin ng paboritong damit.
Yung pagiwan sa pamilya namin ng mga jeep na maluwag kaya kelangan pa magcommute ng ilan.
Yung pagbabanlaw ng pinaglagaan ng dahon ng bayabas at yung pamimigay sa lahat ng naiwang pagkain.
Yung recovery ni desiree after ng libing. Nailabas na sha sa ICU.
Mahirap isulat, mas mahirap maranasan.
Tapos na ang unos. Dumaan na ang bagyo. Andami nitong iniwang bakas. Mga lumipad na bubong at nillipad na pangarap. Mga basang damit at basang mata. Mga sirang bahay, at wasak na buhay. Mga sakit ng katawan at sakit ng kalooban.
Sumikat na ang araw. Alam ko balang araw, lilitaw uli ang bahaghari sa iskwater.
10.03.2009
Strike Two
Nasa ICU ngayon ang apo ko, anak ng namatay kong pamangkin. She's only 1 year old, pero naka-confine na due to pneumonia. May tubo na ata kasi di makahinga, binutasan na yung leeg. Habang nasa hospital daw yung bata, tawag ng tawag s "papa" nya. Siguro andun si Edel somewhere binabantayan yung anak nya to safety.
Iskwater lang kami, anong laban namin sa ganitong kalamidad? Sobra namang pagsubok toh mga mare. Kaya kelangan ko ang powers nyo.
Siguro kung laksa-laksang prayers ang ibibigay sa Dyos, makikinig sha noh? Kaya pls, kalampagin natin ang langit. Mag-ingay tayo. Magpapansin sa Kanya. Alam ko nakatutok Siya ngayon sa apo ko. Pakitulungan naman ako mangumbinsi.
Spare the baby, God.
Pls, mga kaibigan. Prayers ang kailangan namin. I'm almost drained of everything. Pls, help us.